GUSTONG klaruhin ni Boy Abunda ang sinasabing “insensitive interview” niya kay Wowie de Guzman noong kamamatay palang ng asawa niya sa Buzz ng Bayan (May 4 episode).
Sunud-sunod kasi ang negatibong reaksyon ng netizens sa istilo ng pagtatanong ng King of Talk sa asawang nagluluksa. Isa na nga riyan ang aktres na si Gladys Reyes kung saan nag-post siya sa kanyang Twitter account ng one-liner message na, “SPELL INSENSITIVE”.
Nakausap namin si kuya Boy pagkatapos ng interbyu niya kay Coco Martin na umere noong Linggo ng hapon sa The Buzz. Hindi naman itinanggi ni kuya Boy na hindi rin niya nagustuhan ang tanong niya kay Wowie.
Ang tanong ni kuya Boy na hindi nagustuhan ng netizens ay, “May mga usap-usapan sa social media, pinakita nila sa akin ang thread na nagsasabing pa-interview ka nang pa-interview kasi gusto mong magbalik sa industriya.”
Paliwanag sa amin ni kuya Boy bago raw nag-umpisa ang show ay nag-meeting sila (writers) at nagkaroon ng briefing kung anu-ano ang mga itatanong kay Wowie at aminado siyang hindi nabanggit ang itinanong niya sa aktor.
Hanggang sa nilapitan daw siya ng head writer at ipinakita ang thread tungkol nga sa pagpapa-interview ni Wowie dahil gusto nitong magbalik-showbiz.
At kung puwede raw itanong ito ng TV host na sinagot naman ng, “Mark, napaka-insensitive ng tanong na ‘yan. Unang-una, inimbita n’yo, pumayag. Pangalawa, nandiyan, na live. I mean, I don’t think that’s proper.
“Pero kung ang intention mo is for him to be able to address that dahil meron sa thread na nagsasabi na nagpapa-interview siya, eto ang kundisyon ko, puntahan n’yo sa dressing room ngayon (si Wowie), tanungin n’yo.
Kung pumayag, okay. ‘Pag hindi pumayag, ayoko. “Pumunta sila, tinanong, tinulungan pa si Wowie kung ano ang konteksto ng tanong para maintindihan niya, kung papayag siya, papayag ako.
That’s the background pagkaklaro ng King of Talk,” paliwanag ng TV host. At pagkatapos nga ng nasabing panayam ay nakatanggap na siya ng mensahe galing kay Gladys na talagang pinupuri ni kuya Boy dahil napakagalang daw ng pagkaka-text,
“Ang kanyang text message, hindi ko na maalala eksakto, nagsasabi na nasaktan siya at ang kanyang mga kaibigan pati si Wowie, specifically sa una kong tanong.
“Pero I give it to Gladys, napakagalang ng pagka-text. ‘Yung, ‘Nasaktan ho kami dahil sa nabulaga kami du’n sa unang tanong which we felt was insensitive’. Hindi ‘yung, ‘napaka-insensitive mo naman, Kuya Boy’, hindi. Let’s give credit to her.
Napakagalang ng kanyang pag-express ng disgusto doon sa paniniwala niya na insensitive ang unang tanong. “I really felt that the first question was insensitive. Sinagot ko si Gladys, nagpaliwanag ako.
Sabi ko, ‘I take full responsibility, I apologize if I hurt you, if I hurt Wowie, if I hurt your friends. Pero gusto ko lang malaman mo that the question was not in the original questionnaire’ and I shared to Gladys kung ano ‘yung napag-usapan sa briefing.
“In fairness to Gladys, bumalik siya ng text, maraming salamat po Kuya Boy sa inyong pang-unawa sa sakit na nararamdaman namin’. End of story. That’s the whole story.
“Footnote to this story, sa tagal ko nang nag-iinterbyu, hindi ako natatakot magkamali ‘coz nobody’s perfect, I’m always willing lalo na kapag kasalanan ko, to apologize.
At saka hindi ako ‘yung tipo ng, ‘Siya kasi.’ I always take full responsibility. Magpapaliwanag lang ako ng kaunti because it’s important to note na alam ni Wowie,” paliwanag mabuti ni kuya Boy
Ang natutunan daw ni kuya Boy sa panayam niya kay Wowie ay hindi lahat nang makatwiran ay puwedeng itanong, kahit pumayag daw si Wowie ay dapat hindi pa rin niya tinanong at sinunod niya ang sinasabi ng utak niya.
Samantala, tinanong namin si kuya Boy kung bakit ibinalik ang The Buzz, “Bakit hindi? Puwede naman?” mabilis na sagot ng King of Talk.
Sabi namin, iisa ang sinasabi ng netizens na kaya ibinalik ang The Buzz ay dahil hindi maganda ang rating at feedback sa Buzz ng Bayan. “Buzz ng Bayan is doing very well, hindi ko alam baka may mga considerations na iba.
In fairness naman to the show, it did very well. Alam n’yo yung format na may mga Bayan Buzzers nahinto ‘yan nang mag-umpisa ang Vhong (Navarro case) na may mga insidente na ganu’n hanggang sa naging investigative na ang atake at kung naaalala n’yo, that was the last episode.
Ibig sabihin, hindi bahagi ng plano, nadala ro’n (format ng The Buzz),” pahayag ni kuya Boy. Samantala, hindi naman daw nagulat si kuya Boy sa muling pagbabalik ni Kris Aquino sa The Buzz, “Hindi naman ako nasorpresa na, kasi kami ni Kris can do a show, it’s never been a problem.”
Nag-react ang netizens dahil nagpaalam na nga naman dati si Kris sa The Buzz dahil gusto niyang magkaroon ng panahon sa mga anak bukod pa sa family day nila ang araw ng Linggo, pero heto’t muli na ngang napapanood ang Queen of All Media sa nasabing programa.
“Lahat naman may karapatang mag-react? What do I say? Everybody has an opinion on anything and I respect that,” katwiran ni kuya Boy
Anyway, excited din si kuya Boy dahil pareho silang nominado ni Kris sa Asian Rainbow TV Awards na gaganapin sa Macau para sa mga programang The Bottomline at Kris TV, “It’s a Hongkong based television awards, nasa top 3 na kami. Manalo o hindi, at least nandoon na.”
( Photo credit to boy abunda official fanpage )