Vice, Daniel gaganap na Superhero sa pelikulang isasali sa MMFF 2014


Excited na si Vice Ganda sa susunod na pelikula niya para sa Metro Manila filmfest this year. Another unkabogable movie na naman daw ‘to for MMFF. Nu’ng huling nakausap namin si Vice, wala pa raw title ang movie niya with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

“Magkapatid kami ni Daniel, fantasy ‘to,” pagbabalita pa niya. “Basta meron kaming ano na gusto…. ah, superhero ang eksena. Darna at Ding, tsarot! Malaki na si Ding, tapos bakla na si Darna? Ha-hahaha!”

Superhero raw ang roles nila ni Daniel. Bukod kina Daniel at Kathryn, join din daw sa movie nila si Bimby, “Ayaw kasi ni Bimby ng horror. Gusto ni Bimby sumama sa movie ko bilang ako ang stepfather niya. Stepfather? Ha-hahaha!”

Bandang September daw sila magsisimulang mag-shoot pagkatapos ng concert niya sa Europe at sa Araneta Coliseum.

( bandera.ph file photo )

Read more...