NAGING guest si Coco Martin sa The Buzz 15 last Sunday at nilinaw nga nito ang dalawang malaking issues na bumabalot ngayon sa kaniyang buhay – yung pagiging ama ng anak ni Katherine Luna at ang sama ng loob sa kaniya ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
Sa isyu ng anak diumano nila ng dating sexy actress na si Katherine Luna, lumabas daw sa DNA test na negative ito. Meaning, hindi siya ang tunay na ama ng anak ni Katherine though inaamin ni Coco na nagkaroon sila ng special affair ni Katherine but they were never a couple daw. Naawa raw siya sa bata.
“Madaling magdrama na naawa siya sa bata dahil lumabas ngang negative pala ang DNA result. Hindi namin naramdaman iyan nu’ng kasagsagan ng isyu sa kanila ni Katherine.
Never umimik si Coco kaya lumabas talaga that time na iresponsable siyang ama. He cannot blame the public for that.
“Ngayon ay parang affected siya sa bata.
That’s a show. Mahusay na artista si Coco. But it’s alright, at least na-clear niya ang name niya about being a father of the kid. Papogi point kasi yung sasabihin niyang nakakaawa naman ang bata dahil pinaniwalang siya ang ama gayong hindi naman pala.
“Yung sa isyu rin sa kanila ni Nora Aunor. Kung talagang hindi sa kampo niya galing na may utang sa kaniya si Nora at kumalat pa ang tsismis na naubos na raw ang laman ng passbok niya dahil siya ang nagbabayad ng renta ng condo ng Superstar, saan nanggaling ang balitang iyon? Alangan namang sa kampo ni Nora? Para saan? Para ikasira ni Nora sa mata ng public?
“Hindi ba’t tatlong beses pala siyang tinext ni Nora sa same cellfone na nakokontakan nila ni Guy, bakit sasabihin niyang hindi niya nabasa at wala siyang alam na may ganoong senaryo? Kung hindi pa raw sinabi ng manager niyang may ganoong isyung lumabas ay hindi pa raw niya malalaman? Imposible iyon ha!
“Kung isang beses lang siguro siyang tinext ni Nora, maaaring hindi niya nabasa pero kung tatlong beses nangyari, for sure ay iniwasan niya.
Pati missed calls ni Nora ay hindi niya napansin? Ngayon sasabihin niyang mataas ang respeto niya sa Superstar samantalang dinedma niya ang text at calls nito? Tapos magsasalita siya clearing Nora of that issue.
Nakakaloka rin itong si Coco! “For sure ginamit lang siya ng The Buzz na ito na nag-reformat para maging kontrobersiyal ang show para hindi masayang ang pagbabalik ng self-centered na si Kris Aquino.
Ha-hahaha!” anang buwisit na buwisit na friend namin. Speaking naman of Kris’ comeback sa show, “Nakakadiri si Kris, sarili na naman niya ang topic niya sa show.
Wala na siyang ginawa kungdi ang ipamarali ang sarili niya. Nakakagigil siya. Ang yabang-yabang ng dating niya,” ani Paulo Ubalde ng Virac, Catanduanes.
No comment na lang kami. Basta gusto na nga naming hilahin ang mga oras para maging Hunyo na ng 2016 para by then ay nakababa na sa puwesto si P-Noy.
( Photo crediit to EAS )