One week after mag-propose ni Chito Miranda sa girlfriend niyang si Neri Naig ay nag-post ang huli sa kanyang Facebook account na kinikilig pa rin daw siya until now.
“Salamat @niceprintphoto. Ang galing ng buong team nyo. Mga artista din lahat! Haha! Galing umakting! At sayo Mr. Miranda, mahal na mahaaaaaal na mahaaaaaal kita! Hindi lang kita gagawing pinakamaswerteng lalaki sa Cavite, kahit hanggang project 6 sa Quezon City, isama mo na din ang Eastwood, Baguio, at Subic! Hahahaha!!! Alfonso Miranda Jr Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako,” post ni Neri sa FB.
Kahit naman sinong babae, lulutang talaga sa ganoon kabonggang proposal, ‘no? Todo-bawi si Chito kay Neri sa ginawa niyang proposal, huh. Knows naman in public kung gaano kalaki ang eskandalong nilikha nang paglabas ng sex video nila ‘di ba?
Last Sunday, ipinost naman ni Neri ang engagement ring na binigay sa kanya ni Chito. Kung gaano kalaking pasabog na ginawa ni Chito para mag-propose kay Neri, bonggacious din ang ibinigay niyang engagement ring kay Neri.
( bandera.ph file photo )