Cray, Griffey namayagpag sa Philippine National Games 100m dash | Bandera

Cray, Griffey namayagpag sa Philippine National Games 100m dash

Mike Lee - May 19, 2014 - 12:00 PM

NAISAKATUPARAN nina Fil-Ams Eric Cray at Princess Joy Griffey ang tinarget na panalo sa century dash sa pagpapatuloy ng athletics event sa Philippine  National Games sa Philsports Oval sa Pasig City.

Naorasan si Cray, nanalo ng ginto sa Myanmar Southeast Asian Games sa 400-meter hurdles, ng 10.67 segundo para maisantabi ang hamon ni Eddie Edward Jr. ng Sabah, Malaysia sa kanyang 10.91 segundo.

Bigo naman si Cray sa naunang inasahan na gagawa ng bagong record sa 100-m run dahil mababa ito sa na 10.45 segundo ni Ralph Waldy Soquilon.

Si Griffey ay naorasan ng 12.02 oras para manalo kina Hanelyn Loquinto at Patricia Angel Monsod sa kanilang 12.97 at 13.42 oras.

Lumabas ang 34-anyos na si Rosie Villarito bilang kauna-unahang atleta sa track and field na nakadalawang gintong medalya nang dominahin ang women’s shotput.

Nagkampeon sa paboritong javelin throw, isinunod ni Villarito ang shotput sa naitalang 11.30 metro. Pumangalawa lamang si Riza Faith Sombilla ng UST sa 11.23m habang si Lei Ann Tan ng PAF ang pumangatlo sa 11.11m.

Ang hari sa hammer throw sa bansa na si Arniel Ferrera ang siya pa ring may hawak sa kanyang trono sa naitalang 57.34m marka.

Nasa malayong puwesto si Jerro Perater ng PAF-A sa 39.59m habang si Geoff Rodriguez ng UP ang pumangatlo sa 36.31m.

Ipinakita naman ni Indonesia SEA Games bronze medalist Nino Surban ang husay sa MTB Cross Country sa cycling nang naorasan ng 48 minuto at 56 segundo at manalo kay March Aleonar na may 49:51. Si Alvin Benosa at Cesar Lapaza Jr. ang kumuha ng tansong medalya sa 50:18 at 50:55.

Nagpasikat din si Jigo Mendoza sa U-23 nang silatin ang beteranong siklista na si John Renee Mier sa 54:54 winning time.

Si Mier, na naglaro rin sa 2010 Asian Games, ay may 56:06 oras para makuha ang pilak habang sina Ed Mhel John Flores (57:49) at Eric Dhave Apenar (1:00:22) ang nakapag-uwi ng tanso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending