Willie mababaon sa utang dahil sa pagsusugal
I read in another tabloid yung tungkol sa balitang pati ang share daw ni Willie Revillame sa Wil’s Tower ay naibenta na raw nito sa long-time business partner niyang si Sen. Manny Villar dahil nagtatalo raw ito ng hundreds of millions sa casino – both sa Solaire and Resorts World.
Siyempre, nagulat ako dahil hindi ko ini-expect na aabot sa ganoon kalaki ang napagtatalo raw ni Willie sa sugal. Hindi lang daw iyon ang naibenta ni Willie – pati bahay niya sa Corinthian Gardens ay naibenta na rin daw niya.
Same with his houses in Tagaytay. Not to mention his Wil’s Events Place sa Sgt. Esguerra St., Q.C. beside GMA 7.”Konti na lang ang luxury cars ni Willie. Isa-isa na raw niya itong nadi-dispose.
Ganoon din ang share niya sa helicopter niya, I don’t know kung yung sinasabing eroplano niya ay kaniya pa rin. Di ba’t meron siyang plane na pinauupahan sa mga pulitiko tuwing elections? Wala na akong balita roon.
Basta marami akong kausap na talagang bilyones na ang natatalo ni Willie. Hindi totoo yung pag-deny niya. “Dapat ay aminin na lang niya at habang may natitira pa siyang konting pera ay tumigil na siya at mag-start ng simpleng negosyong pagkikitaan niya for the rest of his life.
Kasi nga, pag hindi siya tumigil, babalik tiyak siya sa panahong halos wala siyang makain. Hangga’t may madudukot ka hindi ka titigil hangga’t sa darating ka sa point na magbebenta ka na ng properties mo.
The last thing that you’ll sell is your soul. Believe me. “Marami akong kilalang dating mga bilyonaryo na naging milyonaryo na lang ngayon. Yung iba, baon sa utang.
Me mga nagpapakamatay pa dala ng depresyon. Huwag naman sanang mangyari kay Willie na mahurot siya bago siya matauhan,” anang isang kaibigan namin kasama ng ilang bigtime players.
Yung mga high-rollers talaga ang mga barkada nito. “Yung bahay ni Willie sa Corinthian, matagal nang naibenta iyon. Hindi dahil sa sugal kaya niya ibinenta.
Nag-concentrate kasi siya sa iba niyang properties. Sa ngayon ay nagpapatayo si Willie ng hotel sa Tagaytay at kung nagsusugal man siya, hindi naman ganoon kalaki ang pinapatalo niya.
Dibersiyon niya lang iyon,” sabi naman ng isang kaibigang babae ni Willie. Ang sugal ay walang mabuting idudulot sa buhay natin. Mahuhurot ka riyan. Hindi mo kayang kayanin ang katarantaduhan ng casinos.
Kahit slot machines lang ay mga madyikero. Kaya hindi dapat sila pinagkakatiwalaan. Mababaon ka sa utang diyan. Believe me. Wait, parang sarili ko na ang pinariringgan ko ah. Ha-hahaha!
Teka lang Willie, bago maubos ang dahtung mo sa baccarat, baka naman. Kami kasi barya-barya lang naman sa slot pero waley na. Ha-hahaha! Mangharbat pa rin ba?
( Photo credit to willie revillame official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.