Boy ayaw nang saktan si Wowie kaya tatahimik na lang, pero... | Bandera

Boy ayaw nang saktan si Wowie kaya tatahimik na lang, pero…

Julie Bonifacio - May 19, 2014 - 03:00 AM

NA-MISS namin ang matagal na tsikahan with the King of Talk na si Boy Abunda. Cool na cool pa rin ang award-winningTV host kahit kaliwa’t kanan ang mga isyung naglalabasan tungkol sa kanya, sa show niya and even to his pinaka-close friend sa showbiz na si Kris Aquino.

Yes, kahapon na nga nagsimula ang pagbabalik ng The Buzz at tuluyan na ngang tsinugi ang Buzz ng Bayan. Actually pilot episode pa lang ng Buzz ng Bayan ay kinabahan na kami na hindi ito kakagatin ng mga manonood.

At alam ni Kuya Boy ‘yan dahil syempre nagtatanung-tanong din siya ng feedback. Nalungkot nga kami when rumors started circulating na biglang nag-one digit na lang ang rating nito?

Ngayon, hindi lang format ng The Buzz ang ibinalik kundi pati ang dating mga host ng show particularly si Kris na original partner niya sa show at si Toni Gonzaga.

Talagang kabugan din nang paramihan ng shows sina Kuya Boy, Toni and Kris, huh! Isa pang isyu kay kuya Boy ay ang “insensitive issue” na binabato sa kanya ng netizens during his interview sa bagong biyudo na si Wowie de Guzman.

Sa true lang, ayaw nang magsalita ni Kuya Boy tungkol dyan dahil iisipin ng marami na defensive siya. Pangalawa, ayaw niyang i-elaborate ang buong istorya ng interbyu alang-alang kay Wowie.

Sad na nga ‘yung tao, dadagdagan pa ba niya ng pain ang puso ng dating member ng Universal Motion Dancers? Huwag na nga naman.

But with a sincere heart, sinasabi sa amin ni Kuya Boy na humingi siya talaga ng dispensa sa mga taong malalapit kay Wowie na na-offend sa tanong niya particularly kay Gladys Reyes.

Syempre, kinulit-kulit pa rin namin si Kuya Boy kung ano ba talaga ang buong pangyayari sa naturang intebryu. Doon naintindihan namin ng buong-buo kung saan nanggagaling si Kuya Boy at nalungkot sa hindi pagsasabi ni Gladys ng kumpletong detalye ng text sa kanya ni Kuya Boy.

At naintindihan din ni Kuya Boy kung bakit hindi na binanggit ni Gladys ang buong katotohanan. But whatever the truth is, nakita namin ang humility ni Kuya Boy. Naku kung iba lang ‘yan na nasa posisyon ni Kuya Boy ngayon, for sure, ‘di gagawin ang ginawa ng King of Talk, ‘no?

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending