‘Feng Shui Part 2’ Nina Coco At Kris Sure Na Sa 2014 MMFF

KRIS AQUINO 0517

Bilang isa sa manager ni Kris Aquino si Deo Endrinal ay natanong namin kung bakit hindi natuloy ang TV host sa movie project niya sa Regal Entertainment.

Natawang kuwento ni sir Deo, “Nanguna kasi siya (Kris), hindi muna nagpaalam (sa ABS-CBN management) bago siya nakipag-commit sa Regal, e, alam mo naman, dapat kasi ipagpapaalam mo pa ‘yan. May mga pirma-pirma pa, consent na pinapayagan siyang gumawa ng pelikula sa iba, e, nanguna, kaya hayan, hindi pinayagan.

“Pero kung ipinagpaalam muna niya, papayagan naman si Kris. Buti na lang hindi ako sumama, or else, baka pati ako napagalitan. Hindi kasi ako puwede that time, hayun, tumuloy siya,” paliwanag sa amin.

Pero sa pakiwari ng TV executive ay matutuloy din ang movie project na iyon pagdating ng araw. Ang “Feng Shui Part 2” pala ang gagawin nina Kris at Coco Martin para sa 2014 Metro Manila Film Festival na ididirek ni Chito Roño for Star Cinema at Kris Aquino Productions.

Pagkalipas daw ng 10 taon ay mapapanood na ang part two ng “Feng Shui” na kumita ng P137 million noong 2004.
Say ni DTE, “Itutuloy lang kung saan nagtapos ‘yung kuwento ng ‘Feng Shui’ dati. So, abangan nila kung ano na ang mangyayari.”

Read more...