Julia Barretto: Wag na lang po tayong magpakanega!

JULIA BARRETTO

Pagiging masayahin sa kabila ng mga pagsubok ang sikretong nais ibahagi ng Kapamilya teen star na si Julia Barretto sa lahat ng TV viewers na tumatangkilik sa top-rating primetime fantaserye niya sa ABS-CBN na Mirabella.

“Dapat maging positibo lang po tayo lagi, anumang problema ang idulot sa atin ng ibang tao. Kapag mas nagfo-focus po kasi tayo sa mga magaganda at mabubuting bagay na nangyayari sa buhay natin, mas lumalabas po ang tunay na kagandahan,” ani Julia na gumaganap sa serye bilang si Mira at ang mahiwagang katauhang si Bella.

Samantala, mas magiging kapanapanabik ang mga susunod na tagpo ng Mirabella ngayong magsisimula nang bumangon si Mira sa pamamagitan ng katauhan ni Bella. Tuluyan na bang kakalabanin ni Mira ang kanyang tatay na si Alfred (James Blanco) at kapatid na si Iris (Mika dela Cruz)? Paano niya itatago mula sa kanyang matalik na kaibigan na si Jeremy (Enrique Gil) na siya at si Bella ay iisa?

Huwag palampasin ang fantaseryeng babago sa kahulugan ng tunay na kagandahan, Mirabella gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Read more...