HOROSCOPE, May 17, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, May 17, 2014

Madam Sophia - May 17, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Blessing in disguise ang magaganap. Dahil sa mga pagkakautang mapipilitan kang magpayaman. Sa pag-ibig, ang tampuhan ngayon ay mapapalitan ng mas maalab na romansa sa kinabukasan. Mapalad ang 1, 8, 19, 22, 30, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.”  Gary at lavender ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)—   Dapat na laging maging positibo ang isipan upang  lalo pang lumaki ang kinikita. Sa pag-ibig, kung lagi kang nagiisip ng di maganda, paano ka makakasumpong ng isang maligayang relasyon? Mapalad ang 8, 19, 29, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Blue at pink ang buenas.
 Taurus – (April 20-May 20)—   Tapusin agad ang mga nakabinbing gawain, upang umaliwas ang isipan. Sa pag-ibig, bilisan ang paglilinis ng silid at buong kabahayan, darating ang kasuyong matagal mo ng hinihintay. Mapalad ang 6, 12, 19, 21, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Trata-Savitra-Om.” White at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Sa araw ito tuloy parin ang maliwanag at bilugang sikat ng buwan. Ibig sabihin susuwertehin ka sa pag-ibig at pananalapi. Subukang makipagsapalaran habang kasama ang kasuyong Scorpio  – malaking halaga ng salapi ang masusungkit. Mapalad ang 7, 9, 20, 27, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Silver at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—   Romantikong relasyon ang dulot ng full moon sa iyong karanasan. Laging maglalabas ng bahay. Sa pinansyal, dagdag na salapi ang asahan ng matatangap. Mapalad ang 2, 7, 25, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” Yellow at balck ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Wag ma-guilty sa mga bagay na hindi napagwagian. Ganyan talaga ang buhay, may nanalo at may natatalo. Sa susunod na laban, siguradong makakabawi ka rin. Pansamatala, ipriority relasyon at ang pamilya. Mapalad ang 7, 13, 25, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Orange at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Kusang magbabalik ang nakaraan! Sa pag-ibig muling titibok ang puso, sa isang Libra. Sa pinansiyal, muling buksan ang dating kalakal na nagbigay ng malaking kita. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. “Aum-Bhanah-Dosya-Om.” Green at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  Sa pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon kung patatawanin at ibibiling ice creams ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.”  Red at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Tubig ang taglay na elemento ng Scorpio kaya habang pumapasok ang tag-ulan, magsimula ng bagong business upang masapol ang suwerte. Sa pag-ibig, lalong mag-iinit  ang pagmamahalan, kung yayain ang kasuyo na mag-night swimming. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vid-Hunan-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Madaling masusulusyunan ang problema kung magiging payapa ang isipan. Iwasan ang mga intirga at siraan. Sa pag-ibig, sumaky ka lang ng sumakay sa daloy ng damdamin hanggang dalin ka nito sa isang maligayang relasyon. Mapalad ang 3, 6, 25, 34, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Govinda-Om.” Blue at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Iwasang maging mabait sa iba, at pagkatapos ay masungit ka naman sa sarili mong pamilya. Itigil na ang ugaling ipokrita. Magpakatotoo upang habang buhay na umunlad at lumigaya. Mapalad ang 4, 17, 22, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: Aum-Kubera-Om-Mayabeeja.” Black at pink ang buenas.
 Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa  pagtanggap ng mga kahinaan, mas lalo kang magiging matatag. Sa pag-ibig, bahagi ng buhay ang pagkakamali, patawarin ang kasuyo na humihingi naman ng sorry. Mapalad ang 4, 6, 10, 19, 33, at 40, Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om” Green at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Magiging abala ang araw na ito. Siguraduhing ang lahat ng pipiliin mong gawin ay may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 4, 6, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kedemel-Hagiel.” Yellow at violet ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending