Sarah: Di mo mapipigilan ang love, pero ingat na ingat ako!

SARAH GERONIMO

Since Sarah Geronimo seems not too open to answering questions about love, relationship and Matteo Guidicelli, pahirapan ang pagtatanong sa dalaga sa presscon ng “Maybe This Time”. Patagilid ang mga tanong, walang diretso pero meron namang konting direksyon si Sarah sa pagsagot.

When somebody asked her kung ‘yung mga dumadating na isang tao ay nakakatulong para mag-heal siya at magkaroon ng tiwala sa iba, positive naman ang sagot ng Pop Star.

“Opo naman. May purpose ang bawa’t isa kung bakit dumadaan…kung bakit sila nag-e-exist o nawawala sila sa buhay mo. May purpose ang lahat ng ‘yon. Some people teach you lessons which will make you grow as a person.”
Dumaan ba siya sa puntong ingat na ingat siyang ma-in love? “Ingat na ingat po!”

“Hindi mo naman mapipigilan ang sarili mo lalo na kung halimbawa na may isang taong magpakita na maganda naman ang intensyon sa ‘yo. Ang importante doon habang nasa isang relasyon ka o kahit hindi siya love na relationship ang importante ay alam mo kung paano alagaan ang sarili mo, alam mo na buo ka kahit wala ‘yung taong ‘yon sa tabi mo.”

When somebody recalled na in one of his early interviews ay sinabi ni Matteo Guidicelli na si Sarah ang crush niya, initially, the Pop Star refused to comment, but later on, she relented and said, “Wala naman. Lagot, ‘wag nating pag-usapan si Matteo. ‘Yun naman ay mga nangyari, hindi naman ‘yon pinilit o pinlano. Again, bakit namin pinagdadaanan lahat na ito? May purpose ang Diyos.”

See, in love nga si Sarah but she’s careful enough with her words although it can be gleaned that her relationship with Matteo is more than friendship.

At hindi mo rin masisisi si Sarah na maging secretive pagdating sa kanyang personal life, nag-iingat lang siguro siya na maging circus ang lofe affair nila ni Matteo. Kumbaga, less talk, less mistakes nga naman. Ang mahalaga, hindi na nakikialam si Aling Divine, di ba?

Read more...