Claudine wala nang kakampi, mga dating kaibigan mas naniniwala pa rin kay Raymart

CLAUDINE BARRETTO AT RAYMART SANTIAGO

Kapos sa simpatya at pagkampi ng ating mga kababayan si Claudine Barretto. Bastos na kung sa bastos na anak ang kanyang kapatid na si Gretchen, pero bakit nga ba ganu’n, marami pa ring nagagalit kay Claudine?

Hindi nagustuhan ng mga kababayan natin ang mga kuwentong pinalutang niya tungkol kay Raymart Santiago, mismong mga kaibigan na nila ang nagsasabing gawa-gawa lang ni Claudine ang mga istoryang isinusumbong niya sa korte, dahil si Raymart pa nga raw ang sinasaktan nang pisikal ng aktres.

Kuwento ng isang source, “Kundi pa nagsumbong ang mga kasambahay nila sa mga utol ni Raymart, e, hindi pa malalaman ng mga in-laws niya na may matindi na palang problemang nangyayari sa kanila.

“Palaging may mga galos at kalmot sa katawan si Raymart, ‘yun ang nakukuha niya kapag nag-aaway sila, kaya si Raymart talaga ang nabubugbog at hindi naman siya!

“Nagulat na nga lang kami nu’ng mabalitaan namin na instead na si Raymart, si Claudine pa ang nagsampa ng kaso ng pananakit daw!” patotoo ng aming impormante.

Ang nakakaawa sa ganitong sitwasyon ay ang kanilang mga anak, parang bolang pinagpapasa-pasahan nu’n sina Sabina at

Santino, parang batong hindi nalulumutan ang mga bata sa pagpapalipat-lipat sa magkabilang kampo.

Pagdadagdag pa ng impormasyon ng isang common friend nina Raymart at Claudine, “Hanggang sa hindi na nakikita ni Raymart ang mga bata, itinatago na ni Claudine ang mga bata sa father nila. Nakakalungkot naman dahil mahal na mahal ni Raymart sina Sabina at Santino.”

Tunay nga namang nakakalungkot.

Read more...