Sikreto nina Aubrey at Troy: Active sexlife!

AUBREY MILES AT TROY MONTERO

Eleven years na palang magka-live in sina Aubrey Miles at Troy Montero and going strong pa rin ang kanilang relasyon.
Sa nakaraang presscon ng bagong endorsement ng magdyowa, ang Euphoria Maxx, isang libido enhancer para sa mga lalaki, sinabi ni Aubrey na parang tunay na mag-asawa na talaga ang turingan nila ni Troy at habang tumatagal ang kanilang pagsasama ay mas lalo pa nilang minamahal ang isa’t isa.

Isa raw sa sikreto nila ay ang active sex life. Walang duda, isa nga ito sa dahilan kung bakit sila ang kinuhang celebrity endorser ng Euphoria Maxx, bukod pa sa very open ang mag-partner sa kanilang relasyon.

Kuwento ng dalawa, mahina na raw sa kania ang three times a week na pagse-sex pero mas naging palaban pa ngayon si Troy dahil nga sa Euphoria Maxx. Paglilinaw naman ni Troy, hindi lang naman daw kasi pampasigla sa kama ang nasabing produkto kundi isang vitamins din para dadagdagan ang energy sa katawan.

“Ako usually kasi, pagod sa pag-aalaga ng anak. Eh siya masipag din namang mag-alaga. Eleven years na kami so pag nagti-take siya, nagiging masigla siya at ako naman, payag nang payag! Ha-hahaha!” chika ni Aubrey.

Kung si Aubrey ang tatanungin, gusto pa niyang magkaanak ng dalawa pa, sa meron na silang anak ni Troy at ang panganay niya sa dating karelasyon. Tungkol naman sa kasal, pinagpaplanuhan na raw nila ito, kung maaayos lahat ng kailangang ayusin, baka raw this year or next year na ang wedding.

Ayon pa kay Aubrey, mas secured na siya ngayon sa relasyon nila ni Troy dahil hindi na raw ito sabik sa mga babaeng nakikipag-flirt sa kanya, “Nagsusumbong pa nga ‘yan ‘pag may lumalandi sa kanya!”

Read more...