KUNG galit ang mga riders ng Mindanao sa mad killers sa Quezon City na pumatay ng mga riders, mas galit ang mga riders sa Metro Manila. Kaya lang, walang baril ang karaniwang mga riders sa Metro Manila.
Tulad ng reaksyon ng rider na kasapi ng isang gun club sa Cotabato City, kaya niyang tapatan at sabayan ang mad killers sa Fairview. Bukod sa baril na dala niya, papalitan lang niya ang side mirror ng motor ng mas malapad.
Hindi matatawag na shooter ang mad killers dahil kailangan nilang bumaba ng motor at lapitan ang target, saka tapatang barilin.
Ang rider-shooter ay kayang bumaril ng 25 meters kahit tumatakbo ang motor. Pero, disiplinado ang mga uri nito at hindi sila kumakarga ng droga.
Ang biglang reaksyon ng pulisya sa Metro Manila ay dagdagan ang bilang ng checkpoints. Kaya ang rider na nakatira sa Laguna, Rizal o Bulacan ay dadaan at maaabala sa napakaraming checkpoint bago siya makarating sa kanyang trabaho sa Makati o Maynila.
Pero, kapag alas-10 na ng gabi ay wala nang checkpoint. Ang pamamaslang sa Fairview, Quezon City ay naganap sa pagitan ng ala-1:30 ng umaga hanggang alas-2:30 ng umaga. Talagang wala nang checkpoint dahil tulog na ang mga pulis.
Kakasuhan ni ex-Maguindanao Rep. Didangen Dilangalen ng libelo si Panfilo Lacson. Abogado si Dilangalen. Nasa listahan ni Lacson ang pangalan ni Dilangalen. Ang listahan ay walang lagda. Lagot.
Ang “Abu Sayyaf” ay nasa Pampanga na. Hindi sila ang Abu Sayyaf sa Mindanao. Kinidnap ang dealer ng gulay sa Angeles City Market at nakalaya nang magbayad ng P10 milyon. Kinidnap ang doktor sa Mabalacat at nakalaya nang magbayad ng P50,000. Isang hinihinalang kidnaper ang nadakip sa Porac. May pera nga sa kidnaping pero darating ang araw at mahuhuli rin ang mga suspek. Kung magagaling ang pulis.
MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): Caloocan Mayor Oca Malapitan nasa listahan ng mga nakinabang sa Napoles scam. Kung totoo ito ay kawawa naman ang mga taga-Caloocan.
Bahid iyan sa kanyang slogan na Tao ang Una. Bukod diyan, wala pang nagagawa si Malapitan sa District 1 at madalas absent. …4828
Caloocan killing fields na ngayon. Halos kilalang sa mga loyalista ni Recom ang mga pinatay. Kabilang sa mga pinatay ng mga nakamotor ay sina Boy Buko Bonifacio 163, Kagawad Louie Banzon 187, Capt. Pete Ramirez 183, Kagawad Jundayao at Kagawad Gary Muralla 181. Malinaw ang politika sa mga insidente pero binabaligtad ng nasa poder ang kuwento at tao raw niya ang napaslang. Wala nang hustisya sa lungsod. Mag-ingat tayo. …5993
Kung mananatili si Pacman sa 140, puwede na niyang makalaban sina Alvarez at Mayweather. …8940
The current administration is the cause of poverty. The services to the people are slow and the congressmen and senators are ridiculous. De Lima must resign because she is playing games with the lousy government. Magpakatotoo ka PNoy. We need a leader na may kamay na bakal. We need a Duterte type of government. …2920
Dalawa na po sa pamilya ko ang may sakit na diabetis. Pero, hindi pala ito sagot ng government hospital dito sa Cotabato. Nang bumalik kami sa barangay, ang sabi sa amin ay wala raw silang magagawa.
Anong klaseng gobyerno ito? Puwede bang dalhin ko ang dalawang may diabetis sa Malacanang? …7622
Sir Lito, ano na ba ang nangyayari sa Senado natin? Ang sabi ni Miriam, bakla si Ping. Ang sabi ni Ping, luka-luka si Miriam. Ano ba naman iyan. Tayo ang nagpapasuweldo sa mga iyan. Pero, baka naman tama. Ang mga politiko ngayon luko-loko. …1787