Balikang Angelica-Carlo OK lang kay John Lloyd

CARLO AQUINO AT ANGELICA PANGANIBAN

HINDI nagpaalam si Angelica Panganiban sa boyfriend niyang si John Lloyd Cruz nang gawin niya ang episode ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood na bukas ng gabi, kasama ang ex-dyowa niyang si Carlo Aquino.

Ito ang kauna-unahang proyekto nina Angelica at Carlo matapos silang maghiwalay nine years ago. Kuwento ng aktres, hindi naman daw kailangang ipagpaalam niya kay Lloydie ang mga projects na gingawa niya.

Sa isang interview, sinabi ng aktres na magkaibigan sina John Lloyd at Carlo kaya walang issue kung magbalikan sila ng kanyang ex-BF sa isang TV show o pelikula. “Tinanong niya ako, ‘Ano work mo?’ Sabi ko, ‘MMK!’ ‘Sino kasama mo?’ ‘Si Carlo Aquino.’ Hindi talaga nagpaalam!” natatawang chika ni Angelica.

Paano nag-react si Lloydie, “Wala naman, inaya lang ako mag-sun dance! Ha-hahaha! Wala, hindi naman ‘yun ganu’n, e.”
“Actually kami ni Lloydie, nakakasama namin si Carlo. Weird ba nu’n? Pero nakakasama namin siya. As in, nagha-hang out kami. Kumbaga pag nagkita sa isang lugar, ganyan. Hindi naman kami nag-iiwasan,” paliwanag pa ni Angelica.

Gaganap sa nasabing MMK episode si Angelica bilang si Susan, isang maybahay na masasangkot sa bawal na pag-ibig kay Andres (Carlo), ang nakababatang kapatid ng kanyang asawa. Tampok rin sa episode na idinerek ni Nuel Naval sina Wowie de Guzman, Sharlene San Pedro, Mico Aytona, Louise Abuel, Tom Olivar, Madz Nicolas, Jillian Aguila, Allyson Mc Bride at Raine Salamante.

Napapanood pa rin ang MMK tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Wansapanataym hosted by Charo Santos.

Read more...