Melissa tinuksu-tukso kay Jake, napikon daw

Uy, totoo bang umiyak daw si Melissa Ricks sa backstage ng ASAP 2012 pagkatapos ng productions number niya bilang bahagi ng kanyang birthday celebration sa Sunday musical show ng ABS-CBN kahapon?

Ayon sa ating source, hindi raw napigilan ni Melissa ang maiyak hindi dahil sa na-touch siya sa mga bumati sa kanya kundi dahil daw sa mga tuksong inabot niya mula sa kanyang mga kasamahan.

Balitang tinuksu-tukso raw kasi ang young actress ng kanyang mga kaibigan kay Jake Cuenca.

Magkasabay kasing nag-celebrate sa ASAP ang dating magdyowa at dahil nga muli silang nakitang magkasama ay inulan sila ng panunukso, dito na raw nagsimulang mapikon si Melissa hanggang sa maiyak.

E, ano pa sa tingin n’yo ang ibig sabihin nito? Hindi kaya totoo ang mga nakakarating sa ating chika na until now ay hindi pa rin nakaka-move on ang lead star ng Nasaan Ka Elisa? mula sa paghihiwalay nila ni Jake?

E, kasi di ba, kapag tinukso ka sa ex-dyowa mo at naaapektuhan ka pa rin, that only means na may feelings ka pa rin sa kanya? Tomoh? Tomohhh!

Read more...