Ni Joseph Greenfield
Bandera resident psychic
Katapusang labas
NGUNIT bago mapalitan si Corona, at ganap na makontrol ng Pangulo ang tatlong sangay ng pamahalaan, magkakagulo muna ang hudikatura, kaya mabilis na uugong at kakalat ang napipintong kudeta sa hanay ng militar.
Ngayon pa lang, nagbabalak na ng palihim ang ilang matataas na miyembro ng militar sa gagawing pag-aaklas, na bukod sa usapang politikal, na sanhi ng kanilang pag-aalburoto, ang isa pang mas kinasasama ng loob ng hanay ng militar ay may kinalaman sa pagkiling ng judicial system sa mga kaliwa at DOJ na napinturahan ng Pula.
Mahuhuli’t makukulong si retired Maj. Gen. Jovito Palparan, pero hindi papayag ang Sandatahang Lakas na ma-convict ito, kaya bago matapos ang taon, isang madugong pag-aalsa ang magaganap, pero di magtatagumpay.
Sa kalagitnaang hati pa rin ng taon, matapos na mabigo ang pag-aaklas na ito, sa isang pagtitipon, biglang papatayin ang pangulo. May banta rin ng aksidente sa kanyang sasakyan ang pangulo, pero mai-susugod pa sa ospital nang buhay.
Pagkalipas ng ilang araw ay babawian ng buhay ang pangulo at idedeklarang punong ehekutibo si Binay, na tila pag-uulit ng kasaysayan nang masawi ang popular na Pangulong Ramon Magsaysay sa plane crash noong Marso 17, 1957 at pumalit ang bise na si Carlos P. Garcia.
At sa sandaling maupo bilang pangulo si Binay, makakamit na ng bansa ang katatagang politikal, kung saan, higit siyang mas magiging makatao, hindi bugnutin, makatarungan, walang pinapanigan, at may diplomasya kesa sa si-nundang pangulo.
Ganunpaman, habang umuusad ang kanyang panunungkulan, mahaharap siya sa malaking suliraning may kaugnayan sa world affair, at sa panahong ito ay tuluyan nang masasangkot ang Pilipinas sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig, dahil magkakaroon ng malalaking komprontasyon ang pinagsanib na puwersang US at Philippine Navy sa Chinese Aircraft Carrier na nagmamanman sa karagatang malapit sa Spratly Island.
Sa pangkalahatan, ang buong 2012 ay magiging kakilakilabot. Tuluyang masisira ang sistema ng kalikasan sa buong mundo.
Malala ang mga sakuna at kagutuman na may kaugnayan sa kalamidad. Mas maraming ari-arian ang masisira at mas maraming buhay ang masasawi.
Ang kawalang katatagan ng sistemang politikal at ekonomiya ang magiging mitsa upang gumuho ang kasalukuyang administrasyon.