Negros Occidental niyanig ng magnitude 6.3 lindol

NIYANIG ng magnitude 6.3 lindol ang Negros Occidental alas 6:16 Huwebes ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro nito ay natunton 49 kilometro sa bayan ng Hinoba-an.
Ang lindol ay dulot ng paggalaw ng tectonic plate. May lalim itong 10 kilometro.
Nagresulta ito sa pagyanig na may lakas na Intensity V sa Hhinoba-an. Intensity IV naman sa Iloilo City, Bago City, bayan ng Pandan sa Antique, bayan ng Basay at Sipalay sa Negros Occidental.
Sa pagtataya ng Phivolcs posibleng magkaroon ng aftershock kaugnay ng paggagalaw na ito.
Wala namang naiulat na nasugatan sa pagyanig.

 

Read more...