‘Hindi lahat ng gusto ni Kris nakukuha niya…may sumpa sa lovelife!’


Hindi na pala tuloy ang Kris Aquino-Derek Ramsay movie. Hindi pinayagan si Kris ng executive ng Dos na gawin ang Regal movie. Kris confirmed it on her morning show.

“Speaking of Erik Matti, nakausap ko si Tita Cory Vidanes and I was told, ‘You tell Regal hindi pwede.’ So ‘yun na. So, I apologize. Derek Ramsay, I’m sorry. I’m obeying my boss,” sabi ni Kris sa kanyang show.

Early on ay napabalitang gusto ni Kris na unahin ng Regal ang movie niya with Derek kaysa sa Derek-Marian Rivera film. Ewan kung bakit mas gusto niyang mauna ang pelikula nila ni Derek. Parang meron siyang iniiwasan.

Teka, hindi ba’t friends sila ni Marian na ginamit-gamit pa niya sa kampanya noon para sa kanyang kapatid na si Noynoy Aquino noong tumakbo ito sa pagka-presidente at nagwagi?

Talaga itong si Kris, walang  kaibi-kaibigan. Basta nagustuhan niya ay ipinipilit niya. Kaso nabutata siya dahil hindi naman siya pinayagan ng kanyang network.

Ang feeling siguro ni Kris ay makakaya niyang kumbinsihin ang network bosses niya para pagbigyan siya but she was wrong. Hindi umubra ang kanyang charm. Not all things she wants pala ay nakukuha niya. Malas din siya sa lovelife, di ba?

( Photo credit to kris aquino official fanpage )

Read more...