Break na raw sina Anne Cutis and Erwan Heussaff? Nasulat sa isang website na nagkalabuan na at nauwi sa hiwalayan ang apat na taong relasyon ng dalawa.
As always, meron daw third party sa separation ng young couple. And it was caused by an ardent admirer of Anne na galing sa isang mayamang pamilya.
Iyon daw ang dahilan kung bakit napapadalas ang pag-aaway ng magdyowa hanggang sa maghiwalay na nga sila ng landas. True ba ito, Anne?
Marami naman ang hindi makapaniwalang nauwi sa wala ang apat na taong relasyon ng dalawa. Many believed that it was all a publicity stunt to boost the ticket sales of Anne’s forthcoming concert.
It was meant to beef up interest daw sa concert ni Anne. “Te baka naman concert. Palabas lang yan para maintriga ang mga tao at manonood ng show niya. Magaling ang kaf sa ganyan!”
“Naku tingnan na lang natin pagkatapos ng concert kung hiwalay na talaga. Hindi ata mabenta ang tickets kaya kelangan pagusapan.” “Tingin ko rin di totoo..”
But one defended Anne, “I don’t think anne is the type of girl na magchi-cheat. Baka naman ineentertain lang ni anne si third party bilang friendly talaga sya, it comes with the job eh. And yun ang di ma gets ni erwan so panay nagtatalo.”
Yesterday, nag-post si Erwan sa IG account niya, saying he and Anne are fine.
( bandera.ph file photo )