Marquez hanga sa ipinakita ni Pacquiao


INAMIN ni Juan Manuel Marquez na humanga siya sa ipinakitang laban ni Manny Pacquiao kontra kay Timothy Bradley noong nakaraang buwan.

Ipinalasap ni Pacquiao ang unang kabiguan ni Bradley sa pamamagitan ng unanimous decision na kung saan naipalabas uli ni Pacman ang kinatatakutang bilis at lakas ng magkabilang kamao.

“I saw the best Manny Pacquiao,” pahayag ni Marquez sa Ringtv.com. “Pacquiao is using his speed and his movement in the ring. I saw the best Manny Pacquiao because he landed a lot of punches with his speed. I liked the way that Manny Pacquiao fought,” dagdag pa ni Marquez.

Sa Mayo 17 ay aakyat uli ng ring ang 40-anyos na si Marquez para sagupain si Mike Alvarado sa Forum sa Inglewood, California, USA. Ang labanan ay handog ng Top Rank at ito ay eliminator para malaman kung sino ang makakatapat ni Pacquiao sa kanyang title defense sa suot na WBO welterweight belt.

Nauna ng sinabi ni Marquez na ayaw na niyang labanan ang Kongresista ng Sarangani Province matapos ang sixth-round knockout win noong Disyembre 2012.

Pero tila nagbago na ang pananaw ni Marquez dahil habol niya ang maging kauna-unahang Mexicano na nanalo ng titulo sa limang magkakaibang dibisyon.

“I know that Manny Pacquiao is there if I win this fight. But right now, I’m thinking about Alvarado. I don’t want to look past this fight right now. Let’s find out what happens on Saturday and then go from there,” wika pa ni Marquez.

Nakikita rin niya na hindi magiging hadlang ang pagiging isang 40-anyos na boksingero para masira ang plano na manalo ng ikalimang titulo.

“It used to be when you go to 40, you were way too old. But that’s not how it is right now. Bernard Hopkins is 49 and he’s still fighting at a high level and I’m young compared to him. I’m in great shape and doing the things I could do a long time ago,” paliwanag nito.

( Photo credit to INS )

Read more...