Cristine kay PBA player Kevin Alas: Hindi ko siya boyfriend!


Iyan ang naging pahayag ng Kapamilya actress na si Cristine Reyes nang tanungin ng entertainment press tungkol sa kanyang lovelife.  Kahapon sa presscon ng bago niyang endorsement, ang EB (Ever Bilena) Advance, sinabi ng sexy actress na wala silang relasyon ng nali-link sa kanyang basketball player, ang Gilas Pilipinas member na si Kevin Alas.

Sey ni Cristine, hindi nga raw niya alam kung nanliligaw si Kevin sa kanya dahil matagal na niya itong hindi nakikita o nakakausap.  “Basta ang masasabi ko lang, wala po akong karelasyon ngayon, wala akong boyfriend, single ako ngayon at ine-enjoy ko lang siya,” chika ni Cristine na in fairness, ha, super fresh ang aura ngayon.

Kaya nga hindi naniniwala ang karamihan sa press na dumalo sa press launch ng EB Advance na walang lalaking nagpapaligaya sa kanya.

Depensa naman ng dalaga, “Hind ko po kontrolado ang isip ng ibang tao, kung hindi sila naniniwala, wala na po akong magagawa du’n.

Kasi, hindi naman porke nakikipagkaibigan ka sa isang lalaki, boyfriend na agad, siyempre, friendship muna ‘yun, bago maging malalim,” chika pa ni Cristine.

Kamakailan naging open ang PBA cager na si Kevin sa pagsasabing gusto niyang maging girlfriend si Cristine at natuwa naman ang aktres nang malaman niya ang paghanga sa kanya ng player.

Natanong din ang dalaga kung bakit wala pa rin siyang teleserye hanggang ngayon, choice niya na huwag munang gumawa ng soap opera ngayon dahil focused siya sa pagsu-shoot ng dalawang pelikula, ang “The Trophy Wife” at ang “The Gifted”.

Samantala, bagay na bagay kay Cristine amg bago niyang endorsement, ito ngang EB Advance dahil isa nga siyang certified kikay. Ipinagmalaki ng aktres na walang ipinagkaiba ang mga beauty products ng Ever Bilena sa mga ginagamit niyang branded na make-up.

“I’m very happy that they chose me. It’s another blessing for me. I’m proud and excited to endorse the brand I grew up with,” sey ni Cristine.

Sabi nga ng mga taga-EB Advance, “Cristine, in her grace and charm radiating on or off cam, is the embodiment of true beauty. Through her, the brand effectively encourages every woman to step out of their comfort zone when it comes to beauty, and opt for a more defined, sophisticated version of themselves.”

Isa raw sa favorite ni Cristine sa mga produkto ng EB Advance ay ang Two-Way Cake, “Because it is a one-step face powder and foundation that can be applied either wet or dry to hide blemishes and fine lines while keeping the skin moisturized for a glowing and radiant face.”

( Photo credit to EAS )

Read more...