Paulo ayaw tantanan si Kc, tuloy ang panliligaw kahit binasted na


Marami na naman ang naintriga sa latest post ni KC Concepcion sa kanyang Instagram account. Ito’y isang mensahe para sa birthday ng nali-link sa kanya na si Paulo Avelino.

Nag-celebrate ng kanyang 26th birthday ang aktor last Tuesday at isang makahulugang mensahe nga ang ibinigay sa kanya ni KC. Isang picture ng pinagsama-samang Japanese products ang ipinost ni KC sa kanyang official IG account na may caption na: “Received this in the mail! @pauavelino knows the little things I want or need…

Not everyone knows the little things that make me happy!  “Thank u for taking the time to send these to me burrrrty. You made me smile again pinakyaw mo na kasi lahat! Hahaha! (Japanese masks to avoid breathing in dry air while traveling in the plane.

Most of the time the simplest things are the best!!!) — Sana you liked my gift uyyy hahaha. HAPPY BIRTHDAY.#happylangangpeg,” sabi ng TV host-actress na kasalukuyang nasa US  para sa isang short course on acting.

Mas lalo tuloy naguluhan ang followers nina KC at Paulo sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Kamakailan ay sinabi ng aktres na single pa rin siya at hindi committed kahit kanino, kasabay ng ulat na binasted na niya si Paulo nu’ng dalawin siya nito sa US.

Pero sa latest post nga ni KC, marami ang duda sa dalawa, posibleng may inililihim nga sila sa publiko tungkol sa kanilang love affair. Pwede ring hindi pa rin sumusuko si Paulo sa panunuyo sa dalaga kahit basted na siya.

( bandera.ph file photo )

Read more...