49 ni Lebron hindi kinaya ng Nets

NEW YORK  — Napantyan ni LeBron James ang kanyang playoff career high  49 points at tumira ng  tiebreaking 3-pointer  si Chris Bosh may 57 segundo na lang ang natitira para makuha ng  Miami Heat ang 102-96 panalo laban sa Brooklyn Nets sa Game Four ng NBA Eastern Conference semifinals kahapon.

Lamang ang Heat sa best-of-seven series na ito,  3-1, at ang Game Five ay nakatakda bukas sa Miami.Sa isa pang laro kahapon, umiskor ng 25 puntos si Damian Lillard para pangunahan ang  Portland Trail Blazers sa 103-92 panalo laban sa top seed San Antonio Spurs sa kanilang Western Conference semifinals.

Ito ang unang panalo ng Blazers sa serye at may 3-1 bentahe ang Spurs papunta sa Game Five bukas sa San Antonio. Halos sa buong laro ay pinasan ni James sa kanyang balikat ang two-time defending champion Heat ngunit sa huling minuto ng laro ay sumandig ang Miami kay Bosh natumira ng tres para itulak ang koponan sa 97-94 kalamangan.

Nagmintis ang Brooklyn sa sumunod na play at napilitan silang i-foul si Ray Allen na tumira ng apat na sunod na free throws para masiguro ang panalo. Tinapos ni James ang laro na may 16-of- 24 shooting from the field at 14-of-19 from the free throw line.

Unang gumawa ng 49 puntos sa Playoffs si James noong 2009 para sa dati niyang koponang Cleveland Cavaliers. May pagkakataon sana siyang i-break ang kanyang personal record ngunit nagmintis siya sa huli niyang tira sa free throw line.

( Photo credit to inquirer news servuce )

Read more...