Grabe! As in nag-trending talaga (worlwide) ang naging testimonial ni Sunshine Cruz noong Lunes para sa primetime series na The Legal Wife.
Swak na swak daw kasi ang aktres sa tema ng nasabing serye dahil sa nangyari sa kanila ni Cesar Montano na na-link noon sa sexy star na si Krista Miller.
Sey ni Sunshine, “I think kasi, ano, realidad. Hindi ko naman nilalahat ang mga lalaki, pero napakaraming lalaki talaga na ang weakness ay babae.”
Hirit pa niya, “Napakaraming babae ang nakaka-relate at maraming babae ang nanggigigil sa gano’ng sitwasyon. Siyempre, meron tayo minsang mga eksena na, ‘Oops, parang tumatama.'”
Matapos ipalabas ang testimonial ni Shine, mabilis itong nag-trend worldwide sa Twitter at marami ang nag-comment na kampi sa kanya at sa iba pang mga misis na naka-experience na sa pinagdaraanan ng karakter ni Angel Locsin sa kanilang serye.
( bandera.ph file photo )