Happy si Jackielou Blanco sa pagtatapos ng kanyang daughter na si Rikki Mae ng kursong AB Psychology sa De La Salle University. Although sa June pa raw talaga ang official na magtatapos si Rikki but all the requirements especially her thesis are already finished.
In fact, nagtuturo na raw ngayon as a pre-school teacher si Rikki Mae. Kaya wala pa itong balak sundan ang yapak ng kanyang first cousin na si Janine Gutierrez na anak ng kapatid ni Jackielou na si Monching Gutierrez.
“I think, hindi inggit, e. They are happy na Janine is doing okey. But like Janine, nagtapos din muna siya ng pag-aaral bago pumasok sa showbiz. Pwede rin naman ganoon ang gawin ng mga anakl ko.
Pero hindi kasi natin alam, e. Basta ang sabi ko sa kanila, if at any point gusto nila then okey lang, ‘di ba,” lahad ni Jackielou.
Nagtatrabaho na rin daw ang panganay na anak nila ni Ricky Davao na si Ken.
Habang ang youngest na si Ara ay nasa fourth year high school na sa Poveda. Tulad ng mommy niya na si Pilita Corrales, lola na rin si Jackielou sa anak ng panganay niya na si Ken na si Ethan, “Mamita na rin ako, korek! Happy naman ako. Ken is already of age and okey na siya,” bulalas ni Jackie Lou.
Hindi raw nagpakasal ang parents ni Ethan at hiwalay na raw ngayon.
( Photo credit to jackie lou blanco official fanpage )