Angelica naghahanda na raw sa pagiging misis ni John Lloyd


NO doubt inspired si Angelica Panganiban na magtrabaho because of her boyfriend na si John Lloyd Cruz. Kaya lang wala pang balita kung ano ang susunod na teleserye niya sa ABS-CBN.

Bagaman may comedy show siya sa Kapamilya network na Banana Split. Apoy sa Dagat pa ang huling teleserye ni Angelica sa ABS-CBN. At pagkatapos ng matagal-tagal na panahon na ‘di napapanood na umaarte sa isang drama show, mapapasabak muli siya sa aktingan sa longest drama anthology on TV hosted by Charo Santos na Maalaala Mo Kaya.

May bonus treat pa sa mga tagahanga ng loveteam ni Angelica with her real and reel partner before na si Carlo Aquino. Magkakasama ulit ang dalawa sa heavy drama episode ng MMK sa Mayo 17 (Sabado).

Gaganap si Angelica bilang si Susan, isang maybahay na masasangkot sa bawal na pag-ibig kay Andres (Carlo), ang nakababatang kapatid ng kanyang asawa.

Tampok rin sa episode na idinirek ni Nuel Naval sina Wowie de Guzman, Sharlene San Pedro, Mico Aytona, Louise Abuel, Tom Olivar, Madz Nicolas, Jillian Aguila, Allyson Mc Bride, Raine Salamante at Laisa Comia.

Ito ay sa ilalim ng panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos, at sa pananaliksik ni Juvien Galano. Samantala, panay post din ni Angelica ng pictures niya sa kanyang Instagram ng litrato especially with her boyfriend na si John Lloyd and her non-showbiz friends.

Hindi kaya talagang namimili na lang ng project si Angelica ngayon bilang paghahanda na rin sa pagpapakasal nila ni John Lloyd at sa pagiging mommy na rin eventually?

Sa IG rin ni Angelica nakita namin ang post niya tungkol sa kanyang dating PA na si Ayen. Nagpunta pala ang dating PA niya sa Saudi Arabia at doon na nag-work.

But sad to say, palpak ata ang agency na kumuha kay Ayen para makapagtrabaho sa Saudi. Sey ni Angelica, “Hinahayaan nila ang mga kapwa pinoy na molestyahin sa ibang bansa. Na sila mismo ang nagdala”

Mukhang Angelica exerted effort para matulungan ang kanyang dating PA by coordinating with the agency. But in return, negative respond ata ang nakuha niya.

“Sinasabi pa ng ___ agency na bakit ko daw pag aaksayahan ng oras ang dati kong PA na si ayen. Kung gusto daw umuwi ni Ayen, magbayad daw,” sunod na post ni Angelica.

At heto naman ang pangatlo at huling post ni Angelica regarding her former PA’s dilemma, “Ano yun?… Bakit may mga ganung tao? Bakit ayaw nilang tulungan ang tao na makaalis dun.. Ni hindi alam ni ayen ang address nya sa Saudi :(”

Pagkatapos nito ay hindi na  nag-post si Angelica kung ano na ang kasunod na kaganapan sa dati niyang PA. We just hope safe at nakabalik na ng Pilipinas ang dati niyang PA.

( bandera.ph file photo )

Read more...