Makukuha sa gayuma? (2)

Sulat mula kay  Amelita, ng Ferrol, Romblon
Problema:  
1.      Sumama sa GRO ang mister ko.  Ipinagpalit niya ako sa maruming babae.  Madalas kasi sa beerhouse ang asawa ko dahil iyong ang bisyo ng kanyang barkada.  Hindi naman ganoon ang mister ko nang makilala ko siya.  Iniwan niya sa akin ang lahat ng anak namin kaya hikahos ang buhay ko.  Mag-iisang taon nang hindi nagte-text sa akin ang asawa ko.
2. Marahil iba na ang cell phone number niya dahil hindi na siya matawagan.  Nagkukulong na lang ako sa kuwarto para umiyak.  Ayaw kong ipakita sa mga bata na umiiyak ako.  Babalik pa kaya ang asawa ko?  May nagsabi sa akin kung nasaan siya nakatira.  Kung padadalhan ko ng gayuma ang mister ko ay bumalik kaya siya?
Umaasa,
Amelita, ng Ferrol, Romblon
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 1.) ang nagsasabing kahit na nambabae ang mister mo hindi basta-basta masisira ang inyong pamilya, higit lalo kung ang mister mo ay isinilang sa zodiac sign na Virgo. Kapag ganyan ang zodiac sign ni mister, muli siyang magbabalik upang pang habang buhay na kayong magsama.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing bagama’t may pagsubok sa kasalukuyan ang inyong relasyon, kung ang mister mo ay isinilang sa petsang 7, 16 o kaya’y 25, ang lahat ng problema sa kasalukuyan ay kusa ring masosolusyunan, sa buwan ng Agosto hanggang Setyembre, sa nasabing panahon muling mabubuo ang pamilya.
Mantra and Yantra:
Eto naman ang mantra upang mas mabilis mong mapabalik ang nangaliwa mong asawa. Nakaharap sa Silangan, nakasuot ng dilaw na damit, bibigkasing tuwing 8 ng umaga, ng 108 times sa loob ng 90 days:  “AUM NAMO BHAGAVAVO SIJHASHYAO ME BHAGAVAYI. ABHI, AUM NAMO, TATATA SWAAHAA.” Kapag nagawa mo yan, tiyak ang magaganap, kusa ng uuwi sa inyong bahay ang nangaliwa mong asawa.

Amelita, pahiran mo na ang iyong luha, dahil ayon sa iyong kapalaran nakatakda na ang magaganap, sa taon ding ito, sa buwan ng Agosto, tiyak ang magaganap, kung nambabae man ang asawa mo sa ngayon at nilayasan ka, sa nasabing panahon, muling babalik ang iyong mister, upang buuin niyang muli ang isang masagana, masaya, at sama-samang pamilya habambuhay.

Read more...