HOROSCOPE, May 13, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Araw mo ngayon!  Magsuot ng kulay na dilaw, upang lalo ka pang suwertehin. Sa pamamagitan ng kulay na dilaw, dagdag na salapi ang matatangap. Sa pag-ibig ang dilaw din ang lalo pang magpapasigla ng relasyon. Mapalad ang 1, 8, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om.” Bukod sa yellow ang pink ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Itutok ang konsentrasyon sa nais mong makamit. Para dumami ang kinikita tutukan mo ang iyong ginagawa. Sa pag-ibig, may masarap na romansan kung itututok ang iyong pagmamahal sa kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 9, 27, 38, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Om-Agla-Om.” Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Venus ang ruling planet mo! Ibig sabihin lagi ka lang mag-paganda, kusa ng lalago at dadami ang iyong pera. Sa pag-ibig, laging papungayin ang mga mata upang maakit ang minamahal – mag-practice ka ngayon! Mapalad ang 9, 15, 24, 33, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.”  Violet at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Hindi plano ang mahalaga, sa halip ang mas mahalaga ay maipatupad ang iyong ideya. Sa pag-ibig, ayain sa romantic na lugar ang kasuyo. Sa pinansiyal, umpisahan na ang kalakal na may kaugnayan sa ibat-ibang uri ng gadgets. Mapalad ang  5, 14, 25, 34, 40 at 43. Mahiwagang mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Gray at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Ipagpatuloy ang pagiging mapagmahal. Kung lagi kang nagbibigay darating ang panahong ikaw naman ang bibigyan ng tadhana ng mas masaganang kapalaran. Sa pag-ibig, pagbutihin pang lalo ang paglalambing sa minamahal. Mapalad ang 2, 7, 27, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Krisna-Om.” Silver at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa pag-ibig at pagkakaperahan may darating na magandang oportyunidad. Wag ka ng umarte-arte at wag ka nang tumanggi – sunggaban mo agad! Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 36, at 42. Mahiwaga mong manra: “Katha-Upanisad-Katha-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Magiging maligaya ang araw na ito! Hindi makakatanggi ang minamahal sa nais mong mangyari. Sa pinansiyal, tuloy ang pasok ng malaking halaga sa kabang-yaman. Mapalad ang 6, 17, 28, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.”  Blue at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Tama ang naisip mo – magluto ng bagong masarap na pag-kain. Ang mga produktong may kaugnayan sa pagkain ay maaari mong pagkakitaan. Sa pag-ibig, iwasan ang katakawan upang muli kang sumeksi. Mapalad ang 3, 6, 24, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Amor-Taneo-Om.” Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pinansiyal, basta’t magpatuloy ka lang ng magpatuloy, tuloy-tuloy ding lalago ang iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, anoman ang balakid, ang pag-iibigan nyo parin ang mananig sa dakong huli.  Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 36 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Blue at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tama ang pasya mong umalis sa sinilangang bayan. Sa malayong pook, magtatagumpay ka at yayaman. Sa pag-ibig, sa isang sasakyang panghimpapawid o kaya’y pangdagat, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Maroon at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ikaw ang dapat mag-alok ng iyong mga produkto upang mabilis na yumaman. Wag  umasa sa ibang tao. Sa pag-ibig, sabihin na sa minamahal ang matagal mo nang plano na yayain siyang magpakasal. Mapalad ang 4, 8,  24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.” Violet at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Ang mga salaping nawala ngayon ay maibabalik din sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, sa panahong may karamdaman, lalong iinit ang
pagmamahalan.  Mapalad ang 2, 13, 28, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govardana-Krisna-Om.” Red at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— May lihim na naiingit sa iyo! Wag mo na lang siyang pansinin upang wag masira ang araw mo.  Sa pag-ibig, tandaang naiingit sila sa iyo dahil mas maganda ka sa kanila – O di ba? Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Yoti-Bhama-Om!” Gold at orange ang buenas.

Read more...