Claudine 3 beses pinagtangkaang patayin, suspek kilala na


Sa halip na maawa, nabwisit lang ang ilang netizens sa mga bagong pasabog ni Claudine Barretto – ang pekeng kasal daw nila ni Raymart Santiago at ang ilang beses na tangkang pagpatay sa kanya.

Sa interview ng Startalk sa aktres noong Linggo, sinabi nito na peke raw ang civil wedding nila sa Isabela noong May 2, 2004. Ito’y naganap bago ang church wedding nila sa Tagaytay noong March 27, 2006.

Hindi raw kasi inirehistro ni Raymart ang kasal nila sa huwes at kung alam lang daw niya na hindi legal ang una nilang kasal, hindi na raw sana niya itinuloy ang pagpapakasal sa Tagaytay noong 2006.

“Hindi napasok ‘yon sa Isabela nung 2004. Pinasok niya (Raymart) February 24, 2006, a month before the Tagaytay wedding, when I couldn’t say no anymore. I couldn’t back out.

“From 2004, ikinasal kami sa Isabela…May 2, 2004 sa Isabela, akala ko… then nag-live in na kami, akala ko kasal kami the whole time. So, pati yung papers ni Sabina… bahala na siya, ‘yon na ‘yon,” pahayag ni Claudine.

Hirit pa nito, “Dapat natuto na ako… na hindi na ako nagpakasal kay Raymart uli nung March 27, 2006, dahil hindi tunay yung kasal na ‘yon. So, hindi lang ako ang naloko kundi buong Pilipinas.”

Pero ayon sa kampo ni Raymart, legal ang kasal nila ni Claudine, at kumpleto ang dokumento nila para ito’y patunayan.
Ibinandera rin ni Claudine na may mga taong gusto na siyang mamatay, “Ilang beses nang nangyari.

Actually, the other night lang, tatlong gun shots, and then another four gun shots. While I was at my balcony, I don’t know if it was the second…hindi, pangatlong attempt sa akin.

“That’s why lumalabas na rin ako para sabihin na hindi ako natatakot sa inyo, and I’m back,” chika pa ng aktres. Pero sa pagtatanong-tanong namin at base sa mga nabasa naming mga komento ng netizens, mas marami pa rin ang kampi kay Raymart.

Sabi ng ilan, palala na  nang palala ang imahinasyon ni Claudine.  As in wala na talagang naniniwala sa kanya, kahit pa mag-iiyak siya nang bonggang-bongga sa harap ng camera.

E, kasi nga, habang nananahimik si Raymart at bising-busy sa kanyang trabaho, e, wala namang ginawa itong dati niyang misis kundi ang ngumalngal nang ngumalngal. Sa korte na lang daw siya tumalak!

( Photo credit to claudine barretto official fanpage )

Read more...