IS this a case of too much coincidence? Go figure this out. Magkakilala sina Senate President Franklin Drilon at Janet Lim-Napoles at ang asawa nito, may mga nauna pa ngang pictures na naglabasan. Checked.
Pero giit ng senador nagkataon lang dahil senador nga siya at maraming nagpapa-picture sa kanya.
Ngayon, yung kakilala halimbawa ni Napoles na kasama ni Drilon at napatunayang may may transaksiyon kay Napoles, tapos kasama sa isang entablado hindi lang si Drilon kundi ang halos lahat ng miyembro ng Liberal Party noong nagdaang eleksiyon, coincidence pa rin ba iyon?
Siguro naman, hindi lang ito basta nagkataon lang––na lahat sila ay kilala si Janet Lim-Napoles.
Kung kuneksiyon at ugnayan ang pag-uusapan, yung kasalukuyang Mayor ng Candaba, Pampanga na si Rene Maglanque, isa sa mga supporters noong nagdaang eleksiyon, ay hindi na maitatanggi ang koneksyon kay Janet Lim-Napoles.
Si Maglanque, kasama ng Liberal, oo. Ito ay sa kabila na dating kakampi siya ng Lakas na kakampi ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nakasama ng Liberal. Interesting lead to prove yung kuneksiyon ng bawat isa sa pamamagitan ni Maglanque. Connect the dots, madali lang.
Try ninyo.
Hindi ba may nabunyag ding anomalya sa DOTC na ang sangkot ay isa namang kumpanya ni Napoles?
Oo, yung P407-million alleged ghost delivery. O sino nga ang isa sa mga signatory doon? Eh di si Maglanque. Sino ba ang namumuno sa DOTC? Galing sa Liberal…hindi ba? Konek-konek lang yan.
Ok fine, kung si Maglanque lamang at Napoles ang may kuneksiyon.
Pero ang hindi ko maintindihan, itong si Maglanque na dating pinagkakatiwalaan ni dating Pampanga Representative Mikey Arroyo ay pinagtiwalaan din ng mga taong kumondina sa mga Arroyo.
Si Maglanque ay una nang inakusahan ni Sandra Cam na siyang “bagman” diumano ni dating Pampanga Rep. Mikey Arroyo.
Yung itinuturing na tiwali noon, nadikit lang sa Liberal, nawala na ang anino ng katiwalian?
Eh paano yun, may bagong kaso maliban doon sa 2005 na noon ay ibinunyag na ni Sandra Cam? The point really is, ano ba, itinuloy, itinuloy ninyo. Kaya nga, bago pa man naglabasan yang listahan A, listahan B na galing din kay Napoles––alam na ng lahat na namayagpag pa rin ang raket ni Napoles sa panahon ng bagong administrasyon.
Kasama niyang namayagpaga ang mga mambabatas, kasama na ang ilang kasabwat mula sa DBM at maging sa CoA.
Bakit, hindi pinagdidiskitahan si Maglanque, samantalang madaling makita rito ang mga koneksyon. Doon din makikita sa kasong ito sa Candaba kung paano nagagamit at kasama din sa masalimuot na kuwento ng PDAF Scam maging ang ilang lokal na ehekutibo.
Kumpleto ang kuwento kung susuriin at pagdudugtung-dugtungin lang. Kayo na ang magdugtong-dugtong. Madali lang. One plus one equals—SAPUL!