Claudine kay Gretchen: Layuan mo ko pati ang mga anak ko!


Claudine Barretto broke her silence on her feud with her sister Gretchen Barretto. In an interview ay itsinika niya kung paano nagsimula ang kanilang away.

Nagpadala pala ng ambulance itong sina Gretchen at Marjorie Barretto at ang tsika ni Marj ay dahil na rin sa kahilingan ng kanilang ina. Parang pinalalabas niya na nag-overdose itong si Claudine.

Basang-basa ng publiko ang galit ni Claudine kay Gretchen when she said, “Pakiusap ko kay Gretchen, any question about me, stop answering. I don’t want to be affiliated with you because you are a shame to this family.

I want you to stay away from me and my children. I want to know, at the end of the day Gretchen, ano ba ang goal mo? Up to where? When are you going to stop?”

In the end, nagtaray pa si Claudine and countered  Gretchen’s claim na masaya siya ngayon sa kanyang buhay, “You say you’re happy? I don’t see that. With your face all botoxed and all, I don’t see that.”

Naku, buhay na naman ang war of the roses sa showbiz. Pumatol kaya si La Greta sa patutsada ni Claudine? Magbalik kaya ang mainit nilang sagutan sa social media at sa mga interviews?

( bandera.ph file photo )

Read more...