BAKIT pinawalang-sala ng Office of the Ombudsman si Pangulong Gloria sa P728-milyonon fertilizer fund scam samantalang ginamit ito sa pangangampanya niya noong 2004 presidential election?
Si Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang nag-quash ng plunder charges laban kay Gloria dahil sa ghost deliveries ng fertilizer at ibang farm inputs sa mga magsasaka na dapat ay manggaling sa P728 milyon na kinuha sa Department of Agriculture.
Si Agriculture Undersecretary Joc-Joc Bolante ang nagmaniubra ng fund scam sa utos ni dating First Gentleman Mike Arroyo.
Imposibleng di alam ni Gloria ang pinaggagawa ng kanyang esposo.
Isang kaibigan sa administrayon ni Arroyo ang nakapagsabi sa inyong lingkod na si Gloria at Mike ay “isang bulsa,” na ang ibig sabihin ay kapag may ninakaw si Mike sa gobyerno ay pinakikinabangan din ni Gloria.
Pinalalabas kasi noon ni Gloria na wala siyang alam sa mga kabalbalan ni Mike.
Parang hindi bagay itong si Morales sa trabaho na tanod ng bayan o Tanodbayan (dating pangalan ng Ombudsman) dahil ang desisyon niya sa pagsampa ng kaso sa Sandiganbayan o sa pagpapawalang-sala sa mga respondents sa graft cases ay dahil sa kapritso lamang.
Ang kanyang pag-angkin ng katanyagan ay ang pagtestigo niya laban sa dati niyang kasama sa Supreme Court na si Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial sa Senado.
Lumalabas na mas kurakot ang mga senator-judges na humusga kay Corona na ang tanging kasalanan ay ang maling pagbigay ng statements of assets, liabilities and networth (SALN).
Ang pagpapawalang-sala kay Gloria sa kasong plunder sa P728-milyon fertilizer fund scam ay parang hindi pinag-isipan ni Morales.
Di rin pinag-isipan ni Morales ang pagsampa ng kasong murder sa pagkamatay ni Ensign Philip Pestano noong l995.
Ang masakit pa nito, inungkat pa ni Morales ang kaso ng mga Navy officers na isinangkot sa diumano’y pagpatay kay Pestano.
Ang dating Ombudsman na si Merceditas Gutierrez ay nagpawalang-sala sa mga nasasakdal.
Di man lang binigyang pansin ni Morales ang mga findings ng National Bureau of Investigation, Western Police District at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagpakamatay si Pestano.
Kahit na yung inupahan ng pamilya Pestano na si Dr. Raquel Fortun, ay nagreport na pinatay ng batang Pestano ang kanyang sarili.
Hindi tiningnan ni Morales ang mga records ng kasong Pestano bago niya isinakdal ang mga Navy officers.
Paano mo pagkatiwalaan ang isang Ombudsman na nagbibigay desisyon base sa kapritso?
Isang kaibigan na malapit kay Morales ang nakapagsabi sa inyong lingkod na pinagsisihan ng Ombudsman ang kanyang desisyon sa pagsampa ng kasong murder sa mga Navy officers.
Dumilim ang kinabukasan ng mga Navy officers, na ilan sa pinakamatalino sa Armed Forces, dahil sa kasong murder.
Kahit na sila’y mapawalangsala, di na sila makakahabol sa kanilang mga kasamahan sa promotion.
Bakit daw pinagsisihan ni Morales ang kanyang desisyon?
Siya ba ay na-pressure o siya’y nagkamali lamang?
Kung gayon, bakit di niya bawiin ang kanyang desisyon?
Gusto ba ni Morales mahirang siyang bayani dahil sa maling paratang sa mga taong inosente pero pahihirapan siya ng kanyang konsensiya habambuhay?
May isang judge sa Visayas na nagpakamatay dahil nagkamali siya ng pagpapakulong sa mga akusadong walang kasalanan.
Gusto ba ni Morales na mangyari yan sa kanya?