IBINANDERA ni Vice Ganda sa buong mundo na single na uli siya, ibig sabihin ang misteryosong lalaki na matagal na niyang karelasyon ay tuluyan na niyang iniwan, at handa na niyang pasukin ang next level ng kanyang lovelife.
Sa kanyang Twitter account, nag-post ang TV host-comedian ng kanyang present status, aniya, “It is over.” Ilang minuto lang ang nakalipas, sinundan pa ito ng isa pang mensahe, sey ni Vice, “Ayoko na ng alon.
Gusto ko ng umahon,” at ng “I TRied but im TiRed. Time to rest. Fresh start. Start Fresh.” Paliwanag ni Vice sa interview sa kanya ng ABS-CBN, inamin niyang tapos na ang relasyon nila ng kanyang dyowa, na pinaniniwalaan ngang isang basketball player na kahit kailan ay hindi niya ipinakilala sa media.
Sabi kasi ng comedian, feeling niya, kapag ni-reveal niya ang identity nito ay katapusan na rin ng kanilang love affair. Sabi pa ng Phenomenal Box-office star, he’s now moving on and start living as a single person again.
“Okay lang, hindi pa siguro sa akin nagsi-sink in. Parang shocked pa, hindi pa nga ako masyadong umiiyak,” chika pa ni Vice sa nasabing interview.
Sa tanong naman ng kanyang followers kung anong nangyari, tugon ni Vice, “Ano ba ang sinabi ko dun? Basta ‘yun lang, I will be okay. I am single and I am okay.
Gusto ko din malaman nila na I am single para yung mga gustong manligaw sa akin manligaw na. Inviting?” Dugtong pa niya, “Hindi kasi nakita ko na rin ito, naramdaman ko na, napaghandaan ko na.
Siyempre hurting, I am not perfectly fine but I am okay.” Hirit pa ng Unkabogable Star, magpapakaligaya na lang muna siya being single, “I want to enjoy my life ngayon pa na ang sarap-sarap i-enjoy ng buhay dapat i-enjoy lang.”
May nag-comment naman na parang pareho sila ng kaibigan niyang si Kris Aquino na malas sa lalaki. Pero mas maraming netizens ang humanga kay Vice dahil napangatawanan nito ang promise niya sa sarili na hinding-hindi niya ibabandera ang identity ng kanyang dyowa.
( Photo credit to vice ganda official fanpage )