Rufa Mae inoperahan sa boobs, tumubong bukol tinanggal


Nilinaw ni Rufa Mae Quinto ang naglabasang balita tungkol sa pagpapatanggal niya ng pekeng boobs para makaiwas sa breast cancer. Sa kanyang Instagram account kasi nag-post siya ng mensahe kung saan sinabi niya na mahigit isang taon na siyang nakakaramdam ng kirot sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

Sey ng komedyana, “Yes finally my boobs all natural silicon free! In fairness talagang pasabog makatotohanan ang ganap. Pang tutukan! Saya! Thanks dr. Lacson for taking care of my ganap sa boobs. I’ve been suffering from pain for more than a yr. bec of my left boobs so now ok na. I wanna share lang na kinaya ko ang lahat. Gogogo. #booba.”

Dahil dito, inisip ng mga nakabasa ng post na peke pala ang malulusog niyang boobs. Pero sabi nga ni Rufa Mae, na-misinterpret lang ng kanyang followers ang kanyang message, “Wala malaki boobs ko Talaga walang nilagyan Dyan wala na nga diba free nga sya ahaha.”

Esplika pa niya, cyst daw ang tinanggal sa dibdib niya, na siyang dahilan nga kung bakit hindi na niya maitaas ang kaliwa niyang kamay sa sobrang sakit ng kanyang boobs, “So help me God benign naman,” chika pa ni Rufa Mae.

Read more...