Speaking of Marian Rivera, inimbita pala siya ni Heart Evangelista sa opening ng “I Am Love Marie, The Art and Works of Love Marie Ongpauco”, ang first ever art exhibit ng Kapuso TV host-actress na ginanap sa Artist Space ng Ayala Museum sa Makati kamakailan.
Ayon kay Heart, ipinadala raw niya ang imbitasyon sa boyfriend nitong si Dingdong Dantes pero wala siyang idea kung bakit hindi ito dumating, “Yes, I sent her an invitation.
We gave it to Dingdong. Maybe busy sila. Okey lang. They’re stars. I’m sure they have their own schedules, so okey lang.”
Dahil dito, pinatunayan ni Heart na okey na talaga sila ni Marian at hindi totoo na may tensiyon pa rin sa pagitan nila ng Primetime Queen ng Siyete.
Pero sa kabuuan ng event, super happy siya sa turnout ng kanyang art exhibit. Siyempre, abot-langit din ang pasasalamat niya sa kanyang boyfriend na si Sen. Chiz Escudero dahil all out nga ang support nito sa aktres.
At in fairness, balitang nabenta na ang lahat ng painting ni Heart na naka-display sa Artist Space. Hindi pa sure si Heart kung saang charity institution niya ibibigay ang kinita sa kanyang art exhibit.
Ang iba pang celebrities na sumuporta kay Heart ay sina Mark Bautista, Solenn Heussaff, Lovi Poe, Rhian Ramos at Bianca King.
“I’m so happy today, ang haba ng hair ko! Kanina, kinakabahan ako kasi this is the first time I was doing something… and that’s having an exhibit. And then, ang daming pumunta.
“Kanina, kinakabahan ako, baka walang pumunta. But then, ang dami pa ring pumunta. Nakakatuwa,” chika pa ni Heart.
Sa tanong naman kung willing siyang i-paint ng nude si Chiz, wag na lang daw, hindi naman daw for public consumption ang katawan ng kanyang boyfriend, kanya na lang daw ‘yun.
( bandera.ph file photo )