Mismong si Angel na ang nagpatunay na very supportive ang football player sa kanyang trabaho.
Ayon sa aktres, magkakilala naman daw sina Phil at Lloydie at wala naman daw issue ang dalawa kaya nakiusap siyang huwag na raw silang intrigahing tatlo.
Kahit naman si Phil ay nagsabi nang hindi siya nagseselos kay John Lloyd kahit na may mga love scenes ang dalawa sa kanilang pelikulang “Unofficially Yours” ng Star Cinema.
Sa teaser ng nasabing pelikula ay mukhang palaban na nga si Angel sa mga maseselang eksena, ibang-iba ang karakter niya rito kumpara sa mga nagawa na niyang movies.
Medyo sensitibo kasi ang tema ng pelikula, tungkol ito sa isang simpleng one night stand.
Pero sabi nga ni Angel, matagal na niyang kaibigan si John Lloyd at matagal na rin silang magka-loveteam kaya kahit mahihirap ang mga eksena nila ay nagagawa pa rin daw nila ito sa tulong na rin ng direktor nilang si Cathy Garcia-Molina.
Malaki rin daw ang tiwala at respeto ni Angel kay Lloydie bilang aktor kaya wala siyang takot gawin ang mga maseselang eksena nila.