Hula ni Greenfield ( Bandera resident psychic ): Vilma, Kris sa Senado

Ni Joseph Greenfield
Bandera resident psychic

Ikaanim na  serye
DI makaliligtas ang mga pangunahing politiko sa pananalasa ng nagliliyab na bunganga ng Dragon.

Sa unang hati ng taon, mananatili sa kanyang katungkulan si Speaker Feliciano Belmonte, pero sasansalain ng nagliliyab na bu-nganga ng Dragon ang kanyang panunungkulan, at kung di mag-iingat, bigla siyang mararatay sa banig ng karamdaman at mapapabalitang magpapagamot sa ibang bansa.

Matapos mapalitan bilang Speaker, na isa rin sa kanilang kapartidong sipsip kay Pangulong Noynoy Aquino, sa ikalawang hati ng taon, sa ila-lim ng pamumuno ng bagong Speaker, tuluyan nang maipapasa sa Kongreso ang panukalang batas hinggil sa RH Bill.

Ngunit bago makapasa ang RH Bill sa Kongreso, magluluksa ang mga mambabatas sa pagkamatay ng kanilang tatlong kasama, na may initials na P.M., S. at R.

Mag-aalburoto ang simbahan at mga moralista sa nasabing pagkapasa ng batas, kaya hihimukin nito ang mga debotong Katoliko na mahigpit na tutulan ang nasabing batas sa sandaling ito ay umakyat na sa deliberasyon sa Senado.

Ngunit hindi ito agad-agad makakapasa sa mabusi-sing gagawing deliberasyon sa Senado. Habang nakabitin ang panukalang batas na RH Bill sa Senado, unti-unti namang guguluhin ng nagliliyab na bunganga ng Dragon ang bansa sa marami’t masalimuot na kaganapang lokal, pandaigdigan at suliraning ekonomiya.

Sa ikatlong hati ng taon, habang nalalapit ang eleksyong nasyonal, uugong ang balitang tatakbo sa pagka-bise presidente sina Vilma Santos at Kris Aquino, ngunit hindi naman ito maisasakatuparan.

Sa halip, magkakasya na lang ang dalawang celebrities na tumakbo bilang senador at kapwa naman magwawagi.

Sa nasabing panahon, ikakasa na rin ni Sen. Chiz Escudero ang kanyang ambis-yong maging pangulo ng bansa. Ganunpaman, makakalaban niya sa nominasyon sa bagong bubuuing pinagsanib na partido politikal sina Sen. Bongbong Marcos at Sen. Jinggoy Estrada.

Magwawagi si Jinggoy Estrada sa nasabing nominasyon, ngunit hindi aatras sina Bongbong Marcos at Chiz Escudero, kung saan, sa kabila ng mga masalimuot na taktika at ma-niobrang politikal, sa bandang huli, magkakasya na lamang ang tatlo upang tumakbong pangawalang pangulo ng bansa.

(Ed:  Ang eleksyong pampanguluhan ay sa 2016 pa) Magwawagi si Chiz Escudero bilang bise presidente habang si Jejomar Binay ang magiging susunod na pangulo ng bansa.

Ngunit, bago mangyari ang masalimuot na maniobrang politikal sa national level, sa unang hati ng taon, habang umuusad ang impeachment trial laban sa Punong Mahistrado ng Korte Suprema, si Senate President Juan Ponce Enrile ay tuluyang huhubaran ng Dragon.

Papa-litan siya ng isang senador na sipsip at malapit na kapanalig ni Pangulong Noynoy Aquino. Sa taong ito, maaari ding ba-wian na ng buhay si Enrile dahil sa matinding kalungkutan at napipinto namang dapuan ng malubhang karamdaman si Sen. Joker Arroyo na may kaugnayan sa “respiratory or circulatory system”.

At sa sandaling mapalitan si Enrile bilang Senate President, nang malapit na kapanalig ni Pa-ngulong Noynoy, lalong lilinaw ang pagpapatalsik kay Chief Justice Renato Corona.

Sa kalagitnaang bahagi ng taon, mangyayari na ang malaon nang hinihintay ng taymbayan, tuluyan nang mapapatalsik si Chief Justice Renato Corona sa kanyang puwesto, upang palitan ng isang Punong Mahistrado na malapit kay Aquino.

Sa puntong ito, ganap ng makokontrol ng “super-power President” ang tatlong sangay ng pamahalaan.

Sa isang sutsot lang niya, susunod ang mga sangay ng lehislatura’t hudikatura sa lahat ng kanyang gusto. 

Tatapusin

Read more...