Usap-usapan nga kasi ngayon ang itsura ni Jinkee sa cover ng isang magazine.
Sobrang ganda na raw kasi ngayon ng asawa ni Pacman at sa cover nga ng nasabing magazine bumandera ang ibang-ibang aura ni Jinkee, at marami ang nagsasabi na parang sobra naman daw ang retokeng ginawa sa kanya dahil nga kahit daw ang mister niya ang hindi na siya nakilala.
Ha-hahaha! Kayo talaga! Mga intrigera, ha!
Para naman sa amin, hindi naman big deal kung niretoke o may naganap na matinding photoshop sa picture ni Jinkee sa nasabing magazine, marami namang ganyang kaso, siyempre, kailangan nilang pagandahin nang bonggang-bongga ang kanilang cover para malakas ang maging impact as readers.
At sa kaso nga ni Jinkee, over-over sa impact ang nangyari, dahil marami nga ang nagulat sa kanyang itsura – malayung-malayo na raw talaga ang narating ng itsura ng misis ni Pacman! ‘Yun na!
Pero kung may isang taong siguradong tuwang-tuwa sa mga nangyayaring pagbabago kay Jinkee, ‘yan ay walang iba kundi si Pacman.
Siyempre, proud na proud ang People’s Champ dahil nga dyowang-dyowa na si misis at sino pa ba naman ang makikinabang niyan kundi siya rin, di ba?
Pero sure kami na kahit na ano pa ang maging itsura ni Jinkee, mamahalin pa rin siya ni Pacman nang bonggang-bongga! Alam n’yo na!!! Ha-hahaha!
Anyway, masagana agad ang pagsisimula ng taon kasama si Pacquiao ngayong Sabado sa Manny Many Prizes. Kasama pa ni Ninong Manny ang buong tropa sa pagbibigay ng saya.
Pampabuenas agad ang kantahan kasama ang international rockstar na si Arnel Pineda.
Sa Letrambol, mga magigiting na trabahador ang maglalaro kasama sina Sam Pinto at Vaness del Moral. May maswerte ring maglalaro ng pinaka-shocking game sa balat ng telebisyon, ang Shock Attack!
Alamin din kung magkano na naman ang mauuwi ng masuwerteng jackpot player sa Easy Manny!
Abangan ang lahat ng iyan ngayong gabi sa Manny Many Prizes pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA Sabado Star Power.