HOROSCOPE, May 09, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Maraming salaping darating. Ipunin ang mga natatanggap na pera, sa pagtitipid higit kang magiging maligaya. Sa pag-ibig, kung sino ang magbigay ng regalo na kulay “red” siya ang tunay na nagmamahal sa iyo. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis vivit qui bene vivit.” Red at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Iwaksi ang kayabangan! Sa pagpapakumbaba, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, wag kang kuwento ng kuwento ng kung ano-ano sa iyong kasuyo, minsan mas mainam na ikaw naman ang makinig. Mapalad ang 1, 10, 28, 35, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dimidium-Facti-Om.” Orange at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Mabuting tumulong sa kapwa pero wag labis. Ang pera sa negosyo ay hindi dapat maging salapi para sa charity. Sa pag-ibig, tulong ka ng tulong sa iba, baka naman,  napapabayaan mo na ang yong pamilya! Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 48 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vincit-Quisoda-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—        Makibahagi sa mga social gathering. Sa ganyang paraan sisikat ka at magkakapera. Sa pag-ibig, wag kontrahin kung saan lugar gustong mag-swimming ng kasuyo, makisakay ka na lang upang maiwasan ang diskusyon. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Mitra-Om.”  Silver at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Malaki ang magiging epekto sayo ng eclipse sa langit. Dagdag na panalangin  ang dapat upang magpatuloy ang suwerte. Sa pag-ibig anoman ang pagkukulang ng kasuyong Capricorn, patuloy mo siyang unawain at mahalin. Mapalad ang 2, 18, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Inveniam-Faciam-Om”. White at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Unti-unti ng lumalaki ang buwan sa langit. May babala na ma in love ka na naman. Wag magpadala sa emosyon, lagi mong isipin na ang mas mahalaga ay ang career at materyal na bagay. Mapalad ang 3, 12, 24, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aut Vincer Aut mori.”  Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—     ‘Wag kokontra, igalang ang naging desisyon ng kausyo. Sa pinansyal Oohan mo lang ng Oohan ang kasuyo upang gumanda ang inyong kabuhayan. Mapalad ang 8, 14, 23, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jenu-Manu-Jata-Om.” Green at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Ang nagdaang eclipse sa kalangitan ay babala na magkakaroon na namang ng problema sa pag-ibig at relasyon. Laging magsuot ng kulay na pula, upang hindi gaanong maka-apekto sa iyo ang mga negatibong pangyayaring darating. Mapalad ang 4, 12, 23, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nemo-Me-Um.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa mga panahong ito kapag nananangan ka sa emosyon, hindi ito mananatili, pansamantala lamang ang kaligayayan. Panghawakan ang value ng salapi at materyal na bagay. Sa ganyang paraan higit kang mas magiging maligaya. Mapalad ang 2, 7, 10, 19, 30, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Om.” Blue at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Patuloy ang magulong relasyon, ngunit matatapos din yan sa darating na May 15. Sa nasabing panahon, tuloy-tuloy ka ng liligaya at susuwertehin. Mapalad ang 1, 18, 28, 38, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Crede-Quod-Habes-Et-Habes.” Green at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Mas magiging magulo ang darating pang mga araw, hangga’t hindi pa bumubungad sa langit ang full moon. Laging mag-ingat at dagdag na panalangin ang dapat. Kapag may oportyunidad ng pagkakaperhan – sunggaban mo agad. Mapalad ang 1, 7, 10, 29, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Nil desperandum”. White at gray ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Kalimutan ang mga pangit na nagdaan at kalimutan narin ang mga pangit na nilalang. Magsimula ng bago ngayon. Pagandahin ang kapaligiran upang mahigop ang masaganang kapalaran. Sa pag-ibig, umiwas sa mga panget upang gumanda na ang love life. Mapalad ang 1, 8, 13, 25, 34, 40. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Yellow at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Itigil muna ang mga gawaing wala namang kabuluhan. Sa halip, muling magpatuloy ng mga nasimulan proyekto sa ika-15 ng Mayo. Sa ganyang paraan, tuloy-tuloy ka ng magtatagumpay at aasenso. Mapalad ang 5, 14, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Rebus-Durate.” Silver at gold ang buenas.

Read more...