Cesar ‘foreignay’ ang ipinalit kay Sunshine, nag-date raw sa Bohol

CESAR MONTANO AT SUNSHINE CRUZ

Various photos of Cesar Montano surfaced sa isang entertainment website.

Interestingly, merong bagong girl na inili-link kay Cesar, isang foreigner na as of this writing ay hindi pa pinapangalanan. We don’t know if she’s a tourist na nakilala ng aktor sa Bohol.

Sari-sari ang reaction ng mga tao sa sinasabing bagong girlfriend ni Cesar. Merong guy na natuwa sa pagkakaroon ni Cesar ng bagong girlfriend.

“Ang ganda….hahaha mabuti naman at may bago na sya,” say ng guy.

Of course, meron ding nag-compare sa girl at kay Sunshine Cruz. Kasi naman, parehong tisay ang dalawa at may height, ha!
“Mas maganda at mas makinis si Sunshine Cruz,” opines one website follower.

Sinegundahan naman ito ng isa pang guy who believes na, “Mukhang mas maganda & mas sexy pa rin si Shine maski foreigner etong bagong gf ni ceasar.”

Ang feeling naman ng isang maka-Cesar ay okay naman na magkaroon ng girlfriend ang actor dahil, “Separated na naman sila ni Sunshine. Kung masaya ka dyan why not? Now I can’t wait kung sino naman ang magiging bf ni sunshine. Mas exciting malaman yun.”

One guy seemingly privy to the identity of Cesar’s rumored newgirlfriend shared that, “Based sa bohol ang babaeng ito. Nadadalas si Cesar dun dahil sa kanya.”

Da who kaya ang girl na ito? Friend lang kaya siya ng actor o siya na ang bagong nagpapasaya sa ex-husband ni Sunshine?
Actually, wala kaming nakikitang masama kung mag-girlfriend na si Cesar. Matagal na siyang hiwalay at panahon na siguro para humanap na siya ng iba dahil ayaw na talaga sa kanya ni Sunshine.

Pero sana lang, hindi nga mapabayaan ni Cesar ang mga anak nila ni Sunshine kahit na meron na siyang bagong dyowa. Kasi ang mga bata talaga ang kawawa kapag naghihiwalay ang kanilang parents. But knowing, Sunshine, we believe na mapapalaki niya nang maayos ang mga kids nila ni Buboy.

Read more...