Deniece magkakasakit sa kulungan, biglang hihirit ng ‘hospital arrest’ | Bandera

Deniece magkakasakit sa kulungan, biglang hihirit ng ‘hospital arrest’

Cristy Fermin - May 09, 2014 - 03:00 AM

DENIECE CORNEJO INQUIRER

Sa biglang tingin ay nakakaawa naman talaga si Deniece Cornejo sa kanyang sitwasyon ngayon. Sabi nga namin ay isang malaking pagbabago ng kanyang mundo ang nararanasan ngayon ng dalaga, lumaki siyang naka-aircon, pero ngayon ay natutulog siya sa napakainit na lugar at mula sa kama ay lumipat na siya sa sahig.

Pero talagang ganu’n, meron siyang kasong kailangang ipaglaban, walang piyansa ang hatol ng DOJ sa kinasasangkutan niyang asuntong serious illegal detention kaya kailangan niyang magsakripisyo ngayon.

Nakakalungkot talaga dahil kahit naman siguro sino sa kanyang mga katropang sangkot sa kasong isinampa ni Vhong Navarro ay walang nag-isip na selda ang kanilang hahantungan.

Akala siguro nila ay basta magsasawalang-kibo na lang ang aktor, pero malayo sa katotohanan ang inasahan ng tropa, lumaban nang pukpukan si Vhong na humantong nga sa pagkakakulong nina Cedric Lee at Deniece habang pinaghahanap pa ang ibang mga kagrupo nila.

Ipinakikita ngayon si Deniece na natutulog sa sahig, may isang electric fan, ginagawang unan ang kanyang mga kagamitan.

Sarkastikong komento ng isang news anchor, “Pustahan tayo. Isang araw, e, magkakasakit si Deniece, hihilingin ng abogado niya ang hospital arrest, ‘yun ang nakatakdang mangyari sa taong ‘yan!”

Napakarami nga namang kinasuhang malalaking personalidad sa mundo ng politika ang may ganu’ng drama, nagkakasakit sila at nagpapa-hospital arrest, na hindi malayong mangyari kay Deniece.

Nagkita-kita na sila sa korte nang dinggin ang kasong isinampa ni Vhong Navarro laban sa grupo, baligtad na ang senaryo ngayon, dahil kung nu’n ay ang aktor ang isinakay sa elevator na nakatali ang magkabilang braso ay sina Cedric et Deniece naman ang nakaposas na ngayon ang magkabilang kamay.

Matinding magbiro ang kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending