Deniece natulog sa banig, bininyagan na sa masikip at mainit na kulungan


Siyempre’y inusisa ng mga TV reporters ang itsura ng lugar na pinagkukulungan ngayon ni Deniece Cornejo. Palulusutin ba naman ng mga mamamahayag kahit ang pinakamaliliit na detalye ngayon tungkol sa babaeng sumigaw na ni-rape siya ni Vhong Navarro?

Nahiga nang magdamag sa isang banig na inilatag sa sahig si Deniece, may kung anong nandu’n na hindi namin masyadong natitigan kung maliit na kahon o mismong bag niya, ‘yun siguro ang ginamit niyang unan sa buong gabi.

Nakakalungkot lang isipin na ang isang babaeng tulad niya na nasanay matulog sa isang kuwartong naka-aircon ay hayun ngayon at nagtitiis sa isang seldang ubod nang init at napakaliit para sa kanya at sa iba pang mga bilanggo.

Kami man si Lola Florencia ay magdudugo ang aming puso kapag nakita namin ang pinakamamahal naming apo na nakakulong at hirap na hirap sa bagong mundong kinasadlakan niya.

Pero ganu’n talaga ang buhay, tayo ang gumuguhit ng ating kapalaran, hindi ibang tao ang magdidikta kung ano ang naghihintay na bukas para sa atin. Tayo lang.

Sino nga ba ang mag-aakala na ang pambubugbog pala ng kanyang grupo kay Vhong Navarro ay mauuwi sa ganito? Masyado kasi nilang minaliit si Vhong, pati ang mga batas na pinaiiral sa ating bayan, kaya kailangan talaga nilang panagutan ang kanilang ginawa.

Ang masakit pa ay maraming nang-iwan kay Deniece sa gitna ng laban. Nasaan na ang mga kahalakhakan niya sa bar, nasaan na ang mga kaibigan niya sa ginhawa at tawanan, bakit kahit anino lang ng mga ito ay hindi na niya nakikita ngayon?

At tanong ng mas nakararami, bakit palaging lolo at lola lang niya ang tumatayo sa tabi ni Deniece ngayon, nasaan ba ang kanyang mga magulang?

( Photo credit to INS )

Read more...