MARAMI ang natatawa sa latest kadramahan ni Kristeta Aquino regarding her lovelife kuno. After maunsiyami ang ilusyon nila ni Q.C. Mayor Herbert Bautista dala ng left and right bashing sa kanila sa social media, merong bagong kaechosan ang lola Kris ninyo sa katauhan nitong hunk model na si John Spainhour na talagang pinahanap pa niya sa kanyang staff para mai-guest sa KrisTV.
“Kundi ba naman sobrang kalandian na iyan, nakita lang sa picture ang lalaki ay pinahanap agad. Desperada na ba sa lalaki iyang si Kris? Or paselos-effect lang niya iyan kay Bistek na ayaw na siyang ligawan?
Araw-araw na lang meron siyang pasabog. “Mabuti na lang at hindi niya sinabing niligawan din siya ni US President Barack Obama nang mag-dinner sa Malakanyang.
Nahiya siguro sa balat niya. Hindi kasi siya makakalusot kung iyon ang pinalabas niyang isyu. Nakakaloka ang babaeng iyan. And kahit pabiro, the nerve for her to call the new guy ‘sweetheart’.
Ha-hahaha! Nakakalurkey ang Kristeta na iyan. Parang sobrang sabik na ewan,” ang sobrang-poot na komento ng isang kaibigan.
“She did that all in the spirit of fun lang naman. Kasi nga, nakasama lang sa picture yung guy at makulit lang ang staff niya para alamin kung sino ang guy na iyon kaya pina-Google ni Kris.
Model daw iyon na dating nakipaglaban sa giyera sa Iraq. It just caught the attention of Kris at pinahanap niya. Taga-Pampanga lang naman pala yung guy kaya madali nilang na-locate kaya nai-guest nila sa show niya.
“Huwag naman ninyong lapastanganin si Kris – babae lang siya – tao lang siya na nagkakagusto rin sa opposite sex. Eh, ano naman ngayon kung type niya? Masama ba?
Kung kaya naman niyang panindigan – malay natin, baka eto na ang Mr. Right for her – macho, lalaki talaga and mukhang available at laban kung laban, di ba? Hayaan na lang nating lumigaya si Kris, let’s be kinder to her,” depensa naman ng isang fan ni Kris.
Kaya siguro nate-turn off ang marami sa pagiging loud ni Kris about this guy dahil alam nilang nagpapa-cute lang si Kris after ma-depress sa kaniyang aborted relationship with Bistek.
Imposible nga namang maging sila na agad ng guy eh, kailan lang naman nag-guest ito sa morning show niya. Pa-cute lang yung pagtawag niya ng “sweetheart” sa lalaki.
Kung halimbawa ma’y nagpi-flirt nga si Kris kay John Spainhour, pabayaan niyo na lang. Para naman kayong bago nang bago. Kung naalala niyo pa, nung panahong nagsisimula pa lang siya sa showbiz, di ba’t hinabol niya si Gabby Concepcion noon?
Then, nagkaroon pa siya ng relasyon kay Alvin Patrimonio na sobrang sikat that time. Then she had Phillip Salvador na biniyayaan siya ng mabait na anak na si Josh (ang tanging mahal ko sa pamilya ni Kris).
The she had James Yap na nagkaroon ng kasing-taklesang anak in Bimby. And who else? Anjo Yllana before? Daniel Matsunaga raw? Robin Padilla? The controversial affair niya with Joey Marquez.
Who else? Parang andami naman. Talbog pa kaming mga bading sa dami ng mga naging BF niya. Kung mabilis nga siyang na-in love kay John Spainhour dahil bongga ang abs nito, so be it. Very gayish man eh ganoon talaga eh.
Afford naman niya to buy love kung kinakailangan eh, hopefully, she won’t buy the love of this military hunk. Kung kami nga ay nakaka-afford to buy love most of the time (barya-barya nga lang!), si Kris pa kaya who’s damn rich.
Ha-hahaha! Let’s be realistic lang. Basta huwag lang kalimutan ang famous line ni John Lloyd Cruz na “INGAT”. For sure, pag nagtuloy-tuloy ang romansang Kris-John, this would make the guy an instant superstar.
Dapat samantalahin na niya ang chance na ito – mag-artista na rin siya. Iyon nga lang, tiisin niya ang pagkakaroon ng very taklesang dyowa in Kris na mahilig sa publicity.
Pero malay mo, dahil military man ang lalaking ito, baka hindi ito kayanin ni Kris dahil baka tuwing magkakamali si Kris ay umbag ang abutin niya.
Ha-hahaha! Or baka masyado lang tayong judgmental, malay mo, ito na pala ang tunay na lalaking hinahanap niya – yung katapat niya talaga.
At mukhang gifted naman si mokong, di ba? Maybe this is another whirlwind tale na ewan. Basta, let’s wait and see na lang tayo.
( Photo credit to kris aquino offical fanpage )