Sigaw ng Lola ni Deniece kay Vhong: Wala kang pusoooo!


Sinigawan si Vhong Navarro ng lola ni Deniece Cornejo sa unang pagkakataon nang magkaharap muli ang dalawa pati na ang mga nambugbog daw sa actor-TV host na grupo ni Cedric Lee sa hearing ng kanilang kaso nu’ng isang araw sa Taguig Regional Trial Court.

Palabas na ng TRTC si Vhong habang ini-escort ng ilang pulis at bodyguards nu’ng  nagpakilala nang pasigaw ang diumano’y lola ni Deniece sa komedyante bilang si Lola Florencia.

“Wala kang puso!” sigaw ni Florencia kay Vhong na nakaabang na sa labas ng korte at nakunan ng TV Patrol.Hindi pinansin ni Vhong ang diumano’y lola ni Deniece at tuluy-tuloy lang sa paglakad patungong parking lot.

Never din daw tumingin si Vhong during the hearing sa side kung saan nandoon ang grupo ni Cedric. Siguradong magiging malaking  issue na naman sa social media ang eksena sa pagitan ng lola ni Deniece at Vhong and most probably magiging subject uli ng pang-i-spoof sa mga comedy bar.

( Photo credit to inquirer news service )

Read more...