Customized ignition switch delikado

BUMILI ang texter…. 6733, ng Brgy. Dadiangas East, General Santos City, ng segunda manong 125cc na gawa ng isang kilalang Japanese brand.

Napansin niya na iba na ang mga piyesa nito kumpara sa orihinal na mabibili kaya nais niyang malaman ang tungkol sa orihinal na bahagi na pinalitan ng naunang may-ari.

Ang ignition switch ng motorsiklo ay maaaring pinalitan ng naunang may-ari para hindi basta magamit ng iba ang kanyang sasakyan.

Sa universal system ng ignition system, ang “on” ay nasa itaas. Kung pipihitin ito ng pataliwas sa ikot ng relo ay mapupunta naman ito sa “off” paglagpas sa “lock”.

Maaaring i-customize ang ignition switch subalit maaari itong maging mapanganib kung ipapahiram ito sa iba at hindi maituturo bago ipagamit.

Kapag ang susi ay nasa “lock” position, hindi aandar ang makina ng motorsiklo at hindi rin mabubuksan ang ilaw. Maaaring alisin ang susi sa posisyong ito.

Maaari ring alisin ang susi kung ito ay nasa “off” position. Hindi rin mapapa-andar ang makina at ilaw nito. Kung ito naman ay nasa “on” ay maaaring paandarin ang makina ng sasakyan.

Gagana rin ang brake light, turn signals at busina. Aandar din ang fuel gauge, gear position at neutral indicator. Kapag umaandar na ang motorsiklo, maaari na ring paganahin ang headlight, tail light at speedometer light.

Makikita rin sa handlebar ang headlight dimmer switch na ginagamit upang gawing high beam o low beam ang liwanag ng unahang ilaw.

Ang turn signal switch ay magagamit naman upang magbigay ng senyales sa pagkanan o pagkaliwa. Kung ang dating may-ari ay nagdagdag ng hazard light switch, hayaan na lamang ito kung hindi naman nakakasagabal sa turn signal light.

Ang horn button naman ay dapat na nakaposisyon na madaling maaabot ng daliri kahit na nagmamaneho. Mahalaga na gumagana ang headlight dimmer switch, turn signal switch at horn button para sa maayos na ligtas na pagmamaneho.

MOTORISTA OK lang ba na haluan ng STP ang engine oil ng Wave 100?  Ilang ml ng STP ang dapat ihalo sa 800 ml na SAE 40? …8485

BANDERA BASE manual ng Wave 100, hindi kailangang haluan ng iba pang additives ang ordinary engine oil nito, lalo pa kung ang langis ay recommended ng Honda o dealer.

Ang makina ng Wave ay low maintenance at hindi kailangan ng upgrade oil o additives. Ang makina ng Wave ay daily workhorse, kaya ito ang paborito ng mga Bumbay.  Low maintenance, high performance.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

CLASSIFIEDS

MOTOR PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.  Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).

Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Read more...