Sulat mula kay Garfield ng Leyte, Leyte
Dear Sir Greenfield,
Kahit mahirap lang kami ay napagtapos naman ako ng aking mga magulang sa kursong marine transportation. Malaking karangalan ito para sa akin dahil kahit saan ako magpunta at mag-apply ay college graduate din naman ako.
Pero, hanggang ngayon ay di pa sumasakay ng barko, kahit na inter-island lang. Nakita ko na kahit domestic shipping ay palakasan din lalo na sa manning. Kaya hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho. Pero, hindi naman ako humihinto sa kahahanap ng bakante sa mga shipping at manning agencies. Lahat sila ay nagsasabing tatawagan na lang ako pero hanggang ngayon ay wala pang tawag. Baka tumanda ako nang di nakasasakay ng barko. Ako ay ipinanganak noong Marso 26, 1991.
Umaasa,
Garfield ng Leyte, Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayon sa guhit ng iyong palad, may malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, pero hindi pa sa ngayon, may mabunga at mabiyayang pa
Itutuloy