SANTA Cruz, Laguna — Lilisanin ni Bryan Jay Pacheco ang Palarong Pambansa bilang isa sa pinakadominanteng manlalaro sa athletics. Kahapon ay naitala niya ang pangalawang record sa taong ito sa secondary boys javelin throw sa
Laguna Sports Complex. Ang 17-anyos na si Pacheco ng Central Luzon ay nagtala ng pinakamalayong markang 62.47 metro sa unang tapon ng javelin na may bigat na 700 gramo para baguhin ang sariling Palaro record na 57.81-meter na ginawa niya noong nakaraang taon sa Dumaguete City.
Si Joshua Vincent Patulad ng NCR ang naunang bumasag ng record sa naitalang 61.46 metro sa first attempt pero agad itong nabura ni Pacheco pagkalipas ng ilang minuto lamang.
“Bigay-todo po talaga ako dahil nakauna siya na nakabato sa mahigit 60 meters. Tapos inaan-tabayanan ko ang mga sunod na bato niya,” wika ni Pacheco na ang apat sa anim na tangka ay mahigit 60 metro.
Ito ang ikalawang ginto ni Pacheco at pangalawang record sa Palaro.Noong Linggo ay gumawa siya ng bagong marka sa shotput.
“Nagulat talaga po ako sa shotput kaya masa-yang-masaya na naka-double gold at dalawang record pa,” pahayag pa ng 5’10” na si Pacheco na nahigitan ang isang ginto at isang pilak na marka noong 2013.
Nagbabalak na pumasok sa FEU para kumuha ng kursong Business Administration, si Pacheco ay magtatangka pa sa kanyang ikatlong ginto ngayong umaga sa discus throw.
Samantala, nagpasikat ang archer mula Ilocos Region na si Mary Queen Ybanez na pumana ng ginto sa 30-meter (342 puntos) at 40-meter (316) event.
( Photo credit to inquirer news service )