GUMAWA ng career-high walong three-pointers si Chris Paul kahapon at nagtapos na may 32 puntos at 10 assists para pangunahan ang Los Angeles Clippers sa 112-105 panalo kontra Oklahoma City Thunder sa Game One ng kanilang Western Conference semifinal series.
Sa Eastern Conference semifinals opener naman ay umiskor ng 25 puntos si Bradley Beal at nagdagdag ng 22 puntos si Trevor Ariza para ibigay sa Washington Wizards ang 102-96 pagwawagi.
Dahil sa panalo ay naagaw din ng Clippers at Wizards ang homecourt advantage ng kani-kanilang serye. Nag-ambag naman ng 23 puntos si Blake Griffin at 17 puntos si Jamal Crawford para sa Clippers na tumira ng 55 percent (45-of-82) mula sa field at 52 percent (15-of-29) mula sa three-point area.
Si Russell Westbrook ay may 29 at si Kevin Durant ay may 25 para sa Thunder. Ang Wizards naman ay tumira ng 63 percent (10-16) mula sa three-point area at nakakuha ng mas maraming rebounds (53-36).
( Photo credit to inquirer news service )