Mayweather wagi pero hirap sa laban | Bandera

Mayweather wagi pero hirap sa laban

Frederick Nasiad - , May 05, 2014 - 03:00 AM

LAS VEGAS  — Nanatiling walang talo si Floyd Mayweather Jr. Kahapon ay nasungkit niya ang kanyang ika-46 panalo at nagbulsa ng  $32  milyon para sa laban.

Gayunman, pinahirapan pa rin siya ni Marcos Maidana ng Argentina  sa loob ng 12 rounds bago niya nauwi  ang majority split decision (117-111, 116-112  at 114-114).

Sa umpisa pa lang ng laban ay panay na ang sugod ni Maidana sa depensa ni Mayweather. Kinailangan pa ni Mayweather na mag-rally sa huling bahagi ng laban para masiguro ang panalo na sinasabi ng mga eksperto na pinakamatindi niyang hamon sa loob ng 16 taon bilang professional boxer.

“It was a tough, competitive fight,” sabi ni Mayweather na nagtamo ng sugat sa kanang kilay sanhi ng head butt. “I normally like to go out there and box and move.

But he put pressure on me. I wanted to give the fans what they wanted to see so I stood and fought him.” Sa sobrang dikit ng laban ay may ilang boxing fans ang naniniwalang si Maidana dapat ang tinanghal na panalo kahapon.

“I think I won the fight,” sabi ni Maidana said. “He didn’t fight like a man.”Sa talaan ng  Compu-box, si  Mayweather ay may 230 of 426 punching accuracy habang ang kay Maidana ay  221 of 858.

Ito ang pinakamaraming suntok na tumama kay Mayweather sa isang laban mula nang magtala ng mga boxing statistics ang Compubox.

Dahil sa panalo, naagaw ni Mayweather ang WBA welterweight title ni Maidana habang napanatili ang kanyang korona sa WBC.

Pacquiao-Mayweather?
Matapos manalo si Mayweather kay Maidana ay nag-tweet ang kinukunsidera na “The Greatest” boxing legend  in the world na si Muhammad Ali,

Sabi ng naturang Tweet:  “Congratulations @FloydMayweather. Maybe after you rest up we can see you rumble with @MannyPacquiao! #AliTweet”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matagal nang iniiwasan ni Mayweather si Pacquiao at ngayon ay muling nabuhay ang hinaing ng mga boxing fans na magharap na sina Pacquiao at Mayweather.

( Photo credit to inquirer news service )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending